Donny Pangilinan, naudlot ang panliligaw kay Kathryn Bernardo.

Tatlong aktor ang napapabalitang nanliligaw o pumuporma kay Kathryn Bernardo.
Sa vlog ni Ogie Diaz ay pinanindigan ng komedyante at vlogger ang tungkol sa panliligaw ni Donny Pangilinan kay Kathryn, pero naudlot daw ito.
Sumunod ay pumasok sa eksena si Jericho Rosales, na namataan kasama ni Kathryn na nag-jogging sa Marikina. Dumalo pa ang aktor sa birthday celebration ng tinaguriang Asia’s Superstar sa El Nido, Palawan.
Pero mas matunog na pinag-uusapan ang panliligaw umano ni Alden Richards kay Kathryn. Mas boto raw ang ina ng aktres na si Mommy Mhin at ang buong pamilya ni Kathryn kay Alden.
Sino sa kanilang tatlo ang totoong nanliligaw?
Ayon sa mga reliable source ng PEP Troika, mas true raw itong kay Jericho.
Pero kapag natatanong ang aktor tungkol dito, hindi niya ito sinasagot. Totoo bang ayaw ni Mommy Mhin kay Echo?
Pero itong kay Alden ay hindi kaya paghahanda lang sa sequel ng Hello, Love, Goodbye?
Pagkatapos ng KathNiel, pinapalakas na ang KathDen love team.
Ayon sa nasagap ng PEP Troika, ikinakasa na ang project na ito ng Star Cinema at GMA-7.
Totoo bang inaayos na ang pagsu-shooting sa Canada? Kasi, di ba, sa ending ng kuwento ng Hello, Love, Goodbye ay pumuntang Canada si Kathryn?
So, doon na ang susunod na kaganapan, kapag matuloy ang pagsasapelikula nito.
Nakorner namin si Joross Gamboa sa presscon ng Barangay Singko Panalo sa TV5 Studio sa Novaliches ngayong Miyerkules, Abril 17, 2024. Siya ang bagong ka-tandem ni Jerald Napoles bilang si Kags Jo.
Kung regular ang taping niya sa naturang sitcom at game show, paano niya maisisingit ang shooting sa Hello, Love, Goodbye?
“Ano naman e. Lahat naman magagawan ng paraan. Kung ipagkakaloob ng Diyos, e dun tayo.
“Hindi naman… hindi ko alam. Mati-tape naman,” medyo naaalangan pang sagot ng aktor.
Naintindihan namin kung ayaw pang magsalita ni Joross tungkol dito dahil wala pang official announcement.
“Mapapag-usapan naman natin, when we get there naman. Sa ngayon pa naman… maano naman sa barangay, oo.
“Ayoko pa naman magsalita ng ano, depende pa rin naman sa kanila.
“Wala pa po akong alam masyado. Nag focus lang po ako dito sa barangay muna bilang kagawad,” natatawa nang pahayag ni Joross, na hindi na alam kung ano pa ang isasagot niya.
News
Robi Domingo fires back at netizen opposing Kathryn-Donny pairing
Robi: “I don’t tolerate this behavior.” Robi Domingo (center) responds to a netizen’s comment about Kathryn Bernardo (right) and Donny…
Vice Ganda reveals endless bashing nearly drove Ion Perez to quit It’s Showtime
Ion Perez gets emotional over his first award as a showbiz personality. Vice Ganda reveals boyfriend Ion Perez almost resigned…
Kris Aquino gives health update: ‘It’s definite I have 5, possibly 6 autoimmune conditions’
Kris Aquino. Image: Instagram/@darla Not even six autoimmune diseases can dim Kris Aquino’s spirit as she went back to work…
Sunshine Cruz, Cesar Montano attend graduation of daughter Angelina
(From left) Cesar Montano, Angelina Cruz, and Sunshine Cruz attend Angelina’s college graduation at the PICC. Image: Instagram/@angelinaisabele …
Doctor’s Shocking Revelation: The Hidden Truth Behind Ivana Alawi’s Mysterious Pain!
Ivana Alawi Opens Up About Her Struggles: A Journey of Resilience That Inspires Millions In recent weeks, Ivana Alawi has…
SARAH GERONIMO IS SERIOUS WHEN MENTIONING THE DEATH OF HER CAREGiver ON “THE VOICE” – KOKOI BALDO IS ALSO SHOCKED!
Fans were surprised when Sarah Geronimo suddenly became emotional and serious when mentioning the passing of a caregiver on the…
End of content
No more pages to load