Kathryn Bernardo’s sister stirs intrigue with post

Usap-usapan ngayon sa social media ang makahulugang post sa Instagram at Facebook ng nakatatandang kapatid ni Kathryn Bernardo na si Kaye Bernardo nitong Biyernes, January 12, 2024.
Ang cryptic post ni Kaye ay ibinahagi niya matapos i-unfollow ni Kathryn sa Instagram ang ex-boyfriend nitong si Daniel Padilla noong Huwebes, January 11, o mahigit isang buwan matapos isapubliko ng KathNiel na hiwalay na sila noong November 30, 2023.
Bukod kay Daniel, napabalita ring in-unfollow ni Kathryn ang mga kapwa niya aktres na sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Gillian Vicencio.
Laman ng nakakaintrigang post ni Kaye ang isang litrato ng maskara na may nakasulat na, “WE KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER.”
Nilapatan pa niya ito ng kantang “Say My Name” ng American girl band na Destiny’s Child.
Lalo pang umigting ang espekulasyon ng netizens nang mabasa ang makahulugang caption ni Kaye na naglalaman ng mga taong nakalipas:
“(2017, 2018, 2019, 2021, 2023) – [claps, trophy, and masks emojis] and the very first one that I know (2014). [eyes emoji]”
Kapansin-pansin din sa Instagram post na ito ni Kaye ay nag-iwan ng komento ang dalawa sa matalik na kaibigan ni Kathryn — sina Trina Guytingco at Arisse De Santos.
Cursing face emojis ang komento ni Trina, habang si Arisse naman ay emojis ng dalawang taong magkayakap.
Hindi malinaw kung sino ang pinatutungkulan ni Kaye sa kanyang post, ngunit marami sa netizens ang naghihinalang para kay Daniel ang cryptic post niyang ito.
Ayon pa sa ilang netizens, marahil ang mga taon na nakasulat sa caption ni Kaye ay listahan ng mga taon kung saan nagtaksil si Daniel kay Kathryn.
Base naman sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may malalim na dahilan ang pag-unfollow ni Kathryn kay Daniel, pati na kina Liza, Julia, at Gillian, sa Instagram.
Samantala, hindi ito ang unang beses na magpakawala ng makahulugang post si Kaye sa social media matapos makipaghiwalay ng kanyang kapatid kay Daniel.
Noong December 1, 2023, unang nag-post si Kaye tungkol naman sa “karma.”
News
GMA Network, May Pahayag Na Ukol Sa Hiwalayan Nina Carla at Tom, Ano Kaya Ito?
Hindi lamang mga tagahanga at malalapit na kaibigan nina Carla at Tom ang labis na nalungkot sa hiwalayan ng dalawa….
Bea Alonzo, ipinaliwanag kung bakit ‘di na niya hinahanap ang tunay niyang ama
Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ipinaliwanag ni Bea Alonzo kung bakit hindi na niya hinahanap ang tunay niyang…
PRISCILLA MEIRELLES NAGSALITA NA! ISINAPUBLIKO ANG NANGYARI SA KANILA NI JANICE DE BELEN
Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay? PATULOY pa ring pinag-uusapan ng mga Marites ang mga maaanghang…
NAKAKAKILABOT! COCO MARTIN may inamin tungkol sa pagpanaw ni JACLYN JOSE
Coco Martin says he had premonition about Jaclyn Jose’s death Coco Martin recalls Jaclyn Jose’s last taping day for FPJ’s…
Angelica Panganiban details surgery for avascular necrosis
Angelica Panganiban chronicles hip replacement surgery Angelica was in chronic pain for two years due to avascular necrosis. Angelica Panganiban…
NAKAKALUNGKOT😭Angelica Panganiban, muling sumailalim ng major hip surgery dahil sa ‘buto death’
Angelica Panganiban undergoes surgery due to ‘bone death’ Abgelica Panganiban Screengrab from The Homans YouTube channel MANILA, Philippines — Actress…
End of content
No more pages to load