Bimby Aquino prevents Kris’s head from slamming into the marble wall.

Unti-unti na raw bumubuti ang kalusugan ni Kris Aquino, ayon sa malapit niyang kaibigan at dating entertainment editor na si Dindo Balares.
Sa latest Instagram post ni Dindo nitong Huwebes ng gabi, February 6, 2025, nagbahagi siya ng dalawang bagong larawan ni Kris.
Una, ang close-up shot ni Kris kung saan makikita ang pantal na pula sa pisngi nito.
Ayon kay Dindo, ipinadala ni Kris sa kanya ang unang larawan noon pang January 25.
Mayroon pa rin daw allergens si Kris sa katawan.

Panimulang caption ni Dindo sa larawan ni Kris, “GAINING STRENGTH.”
Pagbabahagi pa niya: “Maraming followers si Kris Aquino na naghihintay ng kanyang latest photos.
“Heto na po Kuha at ipinadala niya sa akin ang first photo last January 25.
“‘Allergens still in my body,’ kuwento niya. ‘Praying hard na ma-flush out na lahat, Krisy,’ sabi ko.
“May pagbabago akong napansin, na agad kong sinabi. ‘You’re glowing!!’
“‘I just don’t have wrinkles, Kuya Dindo,’ reply niya.”

KRIS AQUINO’S SECOND PHOTO
February 2 naman daw ipinadala ni Kris ang pangalawang larawan, kung saan mas maaliwalas na ang mukha ng TV host.
Kapansin-pansin ding wala na ang pantal sa kanyang mukha.

Ayon kay Dindo, lagi pa rin may kinahaharap na “struggles” sa kalusugan si Kris, at iniiyakan ang “severe body pains” nito.
Lahad ng dating entertainment editor: “Last Sunday, habang nasa Pacita Mansion ako sa Vigan kasama ang media friends, ipinadala naman niya ang second photo.
“In between the said dates, lagi siyang may struggles sa kalusugan, at iniiyakan ang kanyang severe body pains.
“Ang labis kong hinahangaan kay Kris, ang kanyang faith na hindi natitinag.”
BIMBY COMES TO HIS MOTHER’S RESCUE
Ibinahagi rin ni Dindo ang kuwento sa kanya ni Kris na tumama ang siko at tuhod nito sa marble wall dahil bigla siyang nanghina.
Mabuti na lang daw at naging isigaw ni Kris ang pangalan ni Bimby, daig pa raw ng anak ang ibang action stars dahil wala pang limang segundo ay napigilan nitong tumama ang ulo ng ina sa pader.
“Last Tuesday, ito ang kanyang message: ‘tumama my elbow and knee. Parang biglang nanghina my left knee so i hit the marble wall.
“Praise God when i shouted Bimb, he jumped from the bed and daig nya ang action stars kasi sya less than 5 seconds from when i shouted he was there-na prevent nya my head slamming into the marble wall.
“Bimb is my hero.’”
Dagdag pa raw ni Kris, “Pangit my (latest) blood test results.@ More prayers.”
Tuloy pa rin daw ang laban ni Kris para sa kanyang paggaling.
Sabi ni Dindo, “Mahaba pa, pero tuloy ang laban! Ilang weeks nang laging mahaba at masarap ang kanyang tulog.
“Unti-unti nang nababawi ang kanyang lakas.
“Pero dapat pa ring maghinay-hinay lalo na sa paglalakad na walang nakaalalay.
“Lagi’t lagi, walang hanggang pasasalamat po sa mga nangungumusta at nagdarasal para sa tuluyang paggaling ni Krisy.”

News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load