Intriga at tanong ang bumalot sa fans matapos mapansin na wala na sina Maris Racal at Anthony Jennings sa bagong poster ng Star Cinema para sa grand mediacon ng kanilang MMFF movie na And The Bread Winner Is. Ang event na gaganapin ngayong araw ay inaasahang magiging engrande, ngunit ang pagkawala ng dalawa sa promotional materials ay nagdulot ng matinding usap-usapan online.
Marami ang nagtataka: tinanggal ba talaga sina Maris at Anthony, o nagkaroon lang ng last-minute change? Dagdag pa rito, hindi na rin nabanggit ang kanilang pangalan sa inilabas na listahan ng mga cast na dadalo sa mediacon. Ang tanong ng fans: may tensyon ba sa production?
“Bakit kaya sila nawala? Sila pa naman yung inaabangan ko,” komento ng isang netizen, habang ang iba’y mabilis ding nagbigay ng spekulasyon, mula sa scheduling conflicts hanggang sa mas malalalim na isyu.
Habang tahimik pa rin sina Maris at Anthony tungkol sa isyu, maraming fans ang umaasa na lilinawin ito ng Star Cinema sa mismong event. Abangan ang susunod na kabanata ng kontrobersiyang ito, dahil mukhang hindi pa rito natatapos ang kwento!