Mark Herras, nag-show sa isang male entertainment bar

Nag-a la-Magic Mike si Mark Herras sa big night presentation ng Apollo male entertainment bar nitong Enero 11, 2025, Sabado ng madaling-araw.
Ang nasabing gaybar ay nasa 717-B Roxas Boulevard, Parañaque City, malapit sa Baclaran Church.
Maraming babae ang nagpupunta rito. May pagkakataong outnumbered ng female audience ang mga bading. PHP500 ang door charge sa palabas, pero nag-uumapaw pa rin ang mga tao.

Pag-intro ng program host na si Genesis “Mamigen” Gallios, “First time in the entertainment arena, to dance right here in Apollo.
“The first time in the entire entertainment bar. He will dance with us.
“Ang tunay na Bad Boy ng Dance Floor! Huwag na nating patagalin. I know excited na kayo…
“Ready na kayo? Sabi ni Boss Deo, ready na. Walang kumpas…”
Chumika pa ng kung anu-ano si Mamigen para lalong masabik ang mga manonood, bago siya nagturan, “Ladies and gentlemen, the one and the only, ang Bad Boy ng Dance Floor… Mr. Mark Herras!”
MARK HERRAS DID NOT STRIP
May dalawang male back-up dancer si Mark. Balot na balot silang tatlo. Naka-bonnet si Mark. Long-sleeved ang pang-itaas. Nakapantalon at naka-rubber shoes.
Hindi siya naghubad. Wala siyang production number kasama ang macho dancers.
Sa unang segment ay sinayaw niya at ng dalawang back-up dancers ang mga chorus ng mga sinasayaw niya dati.
Sa second segment ay naglagay ng upuan sa gitna ng stage. Umupo roon ang isang babae. Naunang sumayaw sa harapan nito ang dalawang back-up dancer.
Kapagkuwan ay tinanggal ni Mark ang long-sleeved na pang-itaas nang sumayaw siya sa harapan ng babae. May sleeveless white shirt pa rin naman si Mark.
Kumandong siya paharap sa girl, at inilagay ang mga bisig ng girl sa kanyang balikat.
Afterwards ay pumuwesto si Mark sa may likod ng girl at niyakap-yakap ito at nilambing-lambing habang sumasayaw.
Wala pa yatang isang minuto yung body contact ni Mark at ng lucky girl.
Confirmed na may show uli si Mark Herras sa January 31 sa Apollo.
NOEL FERRER
Legit na trabaho iyan at para sa isang taong nagtataguyod ng pamilya, dagdag-tulong ang kikitain ni Mark sa pagsasayaw sa ganitong lugar.
Ang sabi sa Facebook post ng Apollo, “A spectacular evening awaits you. The very first male grand winner of Starstruck and the bad boy of the dance floor, MARK HERRAS is gracing Apollo this Friday night!
“He’s up to heat up our stage with his killer moves and not only that, you will also have the chance to be beside him and chitchat with him…”
Hindi nakumpirma ng aming source kung nagpa-table nga ba si Mark.
GORGY RULA
Nag-react ang ibang taga-Sparkle GMA Artist Center na dating nagha-handle sa career ni Mark Herras.
Ang iba ay naawa, ang iba naman ay okey lang.
Sa totoo lang, wala naman itong ipinagkaiba sa ibang celebrities na nagso-show sa Japan. Mas malaki lang ang kita roon, kung ikumpara dito na peso ang natatanggap.
Sa Japan ay nakikipag-table pa roon ang ibang artista dahil mas malaki ang kita. Wala namang isyu roon.
ENTRANCE FEE FOR MARK HERRAS SHOW
Ang medyo nadismaya lang kami ay PHP500 lang talaga ang entrance fee para mapanood ang performance ni Mark Herras?
Ang layo nito sa ibinabayad kapag gusto mong panoorin ang ka-partner niya dati sa StarStruck na si Jennylyn Mercado.
Nagbibida pa rin ngayon si Jennylyn at napakalaki ng talent fee.
Pero iba si Mark, iba si Jennylyn. Hindi naman kailangang pagkumparahin.
Ang mahalaga ay may trabaho pa rin at kumikita.
Kailangan ng regular na trabaho ni Mark dahil magdadalawa na ang anak nila ni Nicole Donesa.
Tiyak namang maraming natutunan si Mark sa mga pinagdaanan niya at sana, maayos na talaga ang pagtatrabaho niya.
Kahit hindi na siya hina-handle ng Sparkle, nabibigyan pa rin siya ng trabaho sa GMA-7.
Sayang nga yung Widows’ War na dapat sa kanya yung role na ginagampanan ni Royce Cabrera.
Bakit nga ba hindi siya nakasipot sa taping nito, kaya bigla iyang pinalitan ni Royce?
Sana, natuto na talaga si Mark. Napakagaling pa naman niyang performer, at mahirap pa rin siyang talunin pagdating sa dance floor.
News
UNSEEN FOOTAGE! Reaksyon ni Kathryn Bernardo di Kinaya KILIG ng SULYAPAN ni Andres Muhlach sa Stage (VIDEO)
BREAKING NEWS: UNSEEN FOOTAGE! Kathryn Bernardo’s Reaction Says It All—Can’t Handle the KILIG from Andres Muhlach’s Gaze on Stage! A…
REAKSYON ni Coco Martin Di MAPINTA Ang MUKHA ng Makita HARAP-HARAPAN si Doc Analyn Jillian Ward
Jillian Ward ‘di umubra sa angas ni Coco Martin Hindi kinaya ng serye ni Jillian Ward na ‘Abot-Kamay na Pangarap’…
“NAKADUDUROG ng PUSO! Billy Crawford EMOSYONAL na INALAYO sa ANAK na si Baby AMARI Dahil sa Daming PROYEKTO!”
💔 Breaking News: “NAKADUDUROG ng PUSO! Billy Crawford EMOSYONAL na INALAYO sa ANAK na si Baby AMARI Dahil sa Daming…
Sarah Geronimo Brought to Tears by Matteo Guidicelli’s Emotional Graduation Speech as BSBA Graduate
BREAKING NEWS: Sarah Geronimo Brought to Tears by Matteo Guidicelli’s Emotional Graduation Speech as BSBA Graduate It was an emotional…
SHOCK: Gaano kayaman si Andi Eigenmann? Ang katotohanan tungkol sa ari-arian at ang tunay na may-ari nito ay nakakagulat.
Andi Eigenmann – a famous actress in the Philippine entertainment industry – not only impresses with her simple lifestyle in…
Janine Gutierrez Recalls The First HOT Onscreen With Jericho Rosales
Janine Gutierrez Recalls First Onscreen Kiss With Jericho Rosales No, they weren’t dating yet at the time! PHOTO: Instagram/janinegutierrez, YouTube/Janine…
End of content
No more pages to load