Megastar Sharon Cuneta mourns death of movie queen Gloria Romero
Tingin ni Sharon Cuneta ay napilayan ang industriya sa pagkawala ng batikang aktres na si Gloria Romero.
Pumanaw ang Queen of Philippine Cinema noong January 25, 2025, sa edad na 91.
Ayon sa Megastar, nasaksihan niya ang kabutihan ng namayapang aktres hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng taong nakasama at nakatrabaho nito.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon sa ikalawang gabi ng lamay kay Gloria sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City, kagabi, January 27.
Pahayag niya: “Sa tuwing may nawawala na kasamahan sa industriya, napakasakit, lalo na pag reyna, lalo na pag nakasama mo sa pelikula.
“Marami kang natutunan sa kanya, at napakabuti niya sa iyo at sa lahat ng taong nakilala niya.
“Siyempre, royalty, nabawasan talaga tayo ng pillar sa industriya.
“It’s a very sad day, every day, since we lost her. It’s been very sad,” pahayag ni Sharon.
Nagulat daw si Sharon sa pagpanaw ni Gloria dahil tumimo sa isip niya ang isang malakas at masayahing Gloria nang huling beses silang nagkita.
“I only found out yesterday [January 26] kasi I don’t really watch mga local news.
“Nagulat ako kasi, I mean, the last time I saw her was when she was so healthy, so happy,” sabi ng actress-singer.
SHARON CUNETA AND GLORIA ROMERO PROJECTS TOGETHER
Ibinahagi rin ng Megastar ang fondest memories niya kasama ang namayapang aktres.
“Mga shooting namin sa Oras Oras, Araw-Araw, tapos mga guestings sa Palibhasa Lalake.”
Sa Oras-Oras, Araw-Araw (1989), gumanap si Gloria bilang ina ni Sharon. Pero ang twist sa storya ay iba ang ina ng Megastar.
Sa Palibhasa Lalake, gumanap si Gloria bilang “Inay Minerva.” Anak niya sa sitcom sina Cynthia Patag at Amy Perez, habang boarders naman sina Richard Gomez, Joey Marquez, at iba pa.
May iba pang koneksiyon si Sharon kay Gloria.
“Tapos yung anak niya, si Maritess, yung anak niya since grade school schoolmate ko siya sa St. Paul.
“Tapos ka-birthday pa ni Tita Gloria si Kakie. Alam ko lahat yun, parang nakakaano lang.”
Ang “Kaki” na tinutukoy ni Sharon ay ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.
News
Sofronio Vasquez shocks the music world by signing with Taylor Swift’s record label after making history on The Voice
Sofronio Vasquez shocks the music world by signing with Taylor Swift’s record label after making history on The Voice Years…
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Nag-Iwasan Sa Pagpunta Sa Binyag Ng Anak Nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Nag-Iwasan Sa Pagpunta Sa Binyag Ng Anak Nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo Ipinagdiwang ng…
Vilma Santos Kinaladkad Ni Claudine Barretto Sa Issue?! Ate Vi Ayaw Makisawsaw Sa Gulo Ni Claudine?!
Vilma Santos Kinaladkad Ni Claudine Barretto Sa Issue?! Ate Vi Ayaw Makisawsaw Sa Gulo Ni Claudine?! Kaagad na pinabulaanan…
Vice, Jhong at Vhong Gumawa Ng Paraan Para Mapa Amin Si Kim Chiu Sa Relasyon Nila Ni Paulo
Vice, Jhong at Vhong Gumawa Ng Paraan Para Mapa Amin Si Kim Chiu Sa Relasyon Nila Ni Paulo Sa…
Netizens, Nag-Aabang Na Sa Pelikula Ni Darryl Yap Patungkol Kay Pepsi Paloma
Netizens, Nag-Aabang Na Sa Pelikula Ni Darryl Yap Patungkol Kay Pepsi Paloma Tuloy na ba talaga ang pagpapalabas ng…
ANNE CURTIS SlNAPUBLIKO NA ANG PAGBUBUNTIS SA IBANG LALAKI! ERWAN HEUSSAFF HINDI MATANGGAP!
Anne Curtis Shocks Fans with Revelation About Pregnancy with Another Man; Erwan Heussaff’s Reaction Revealed In an unexpected and dramatic…
End of content
No more pages to load