Mercy Sunot was diagnosed with three types of cancer.

mercy sunot wake



Almost one month after her death, Aegis vocalist Mercy Sunot was finally laid to rest on December 12, 2024.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang mga labi ng Aegis vovalist na Mercy Sunot, noong Huwebes, Disyembre 12, 2024.

Pumanaw si Mercy sa San Francisco, California, USA, noong Nobyembre 18, 2024.

Iniuwi ang bangkay ni Mercy sa Pilipinas noong gabi ng Disyembre 8.

Kinabukasan, Disyembre 9, ginanap ang unang gabi ng lamay para sa kanya sa tahanan nila sa Carmona, Cavite.

Ang mga kapatid at kapwa Aegis members ni Mercy na sina Juliet at Ken Sunot ang nagpaligo, nagbihis, at nag-makeup sa kanya nang dumating sa bansa ang mga labi niya.

Ang Wil To Win host na si Willie Revillame ang isa sa mga unang pumunta sa burol ni Mercy noong nakaraang Lunes.

Nakiramay rin sa mga naulila ni Mercy sina Maila Gumila at Lyca Gairanod.

willie revillame mercy sunot wake

Willie Revillame (in black) with Mercy Sunot’s family

MERCY SUNOT’S BATTLE WITH CANCER

Tatlong klase ng kanser ang dumapo kay Mercy: breast cancer, lung cancer at bone cancer.

Natuklasan lamang ang pagkakaroon ni Mercy ng kanser dahil sumailalim sila sa blood test ng kanyang mga kapatid para sa biyahe nila sa ibang bansa.

Lumabas sa pagsusuri ang pagkakaroon ni Mercy ng breast cancer na hindi naman kumalat.

Nang magpunta siya sa Amerika, lumitaw sa panibagong tests sa kanya may kanser din siya sa baga at buto.

Nang sabihan si Mercy ng doktor na kailangan niyang ma-intubate, tumanggi siya dahil sa pangambang baka masira ang kanyang boses.

Diumano, sinabi ni Mercy, “Hindi ako puwedeng magpa-intubate kasi masisira ang boses ko. Gagaling pa ako.”

Pero kinalaunan, pumayag na rin ang 48-year-old singer dahil sinabi ng doktor na mahihirapan siya sa paghinga.

mercy sunot surgery

Photo/s: Mercy Sunot TikTok

Buo ang paniniwala ni Mercy na gagaling ito at makakauwi ng Pilipinas.

Pero hindi na ito nangyari dahil binawian siya ng buhay noong Nobyembre 18, 2024.

Bago ibinalik sa bansa ang mga labi ni Mercy, ibinurol muna ito ng ilang araw sa Cypress Chapel, sa Colma, California.

Naulila ni Mercy ang kanyang dalawang anak, isang babae at isang lalaki.