Ava Mendez ibinuking ang pagkalasing ni Jak Roberto: ‘Nagiging touchy na siya…’
TINULDUKAN na ng Vivamax sex siren na si Ava Mendez ang kumakalat na isyu kaugnay sa kanila ng aktor na si Jak Roberto.
Recently lang kasi, nag-viral sa social media ang ilang pictures at videos ng dalawa na spotted magkasama sa isang party.
For the very first time, nagsalita si Ava at binigyang-linaw ang mga naging katanungan ng mga Marite matapos usisain ng content creator na si Madam Lamon Queen.
Umamin ang aktres na nagkasama sila ni Jak sa isang party, pero ito raw ay dahil pareho nilang kaibigan ang may birthday at sila lang dalawa lang ang artista sa event.
“Nasa isang five star hotel kami. Doon kami kumain, uminom kasama ‘yung mga malalapit na kaibigan ‘nung may birthday. So nag-iinuman, nagkakatuwaan na and si Jak, medyo nakainom na rin,” kwento ni Ava.
Nabanggit din ng sexy actress na since silang dalawa lang ang artista, may mga nag-request na magpa-picture sa kanila.
Kaya ang ginawa nila ay nag-ikot ikot sa bawat table upang makapagpa-picture ang mga bisita na present sa party.
“May mga gustong magpa-picture sa aming dalawa ni Jak. So bawat table pinupuntahan namin at magkatabi kami ni Jak.
“So makikita niyo, may kumakalat na picture na magkatabi kaming dalawa pero ‘yung mga kasama namin, mga naka-crop. So ayun, ginawan na ng isyu,” chika niya.
Patuloy ni Ava, “After nu’n e di bumalik na ulit kami sa upuan namin edi nag-iinom nanaman kami. After that, si Jak sinasabihan na nila, like, alalay lang.”
Bigla namang nagtanong si Madam LQ kung paano nga ba nalalasing si Jak.
Sagot naman ni Ava, “Nagiging touchy na siya.”
Nag-follow up question ulit ang content creator sa kanya, “Nagiging touchy siya sa yo?”
Pag-amin ng aktres, “Hindi lang naman sa ‘kin.”
“’Yung mga nakakita kasi binibigyan na nila ng malisya. Pero pag kilala mo ‘yung tao, siyempre parang normal lang, makulit lang kasi nakainom eh. So naiintindihan ko ‘yun,” paliwanag pa niya.
Chinika rin ni Ava na nalasing talaga silang lahat sa dami ng kanilang nainom at doon na raw naging “aggressive” si Jak sa kanila.
“Halos maubos na namin ‘yung isang box ng single malt na ininom namin, doon na siya parang naging aggressive,” sambit niya.
Ani niya, “‘Yun nga, kumakausap na siya ng mga usherrettes na mga babae, tapos parang umalis na ‘yung mga babae doon. Tapos next ‘yung samin na, kasi kami nalang ‘yung natitira and then dapat pauwi na kami noon kaso hindi na ako nakauwi dahil lahat kami lasing.”
At dahil sa kalasingan nila nang todo, ang may birthday na mismo ang nag-initiate na kuhaan sila ng rooms upang doon na lang magpahinga.
“So papunta na kami ng elevator, papunta na kami sa room namin, may mga ibang fan din na nakakita na may ginagawa si Jak sa akin, which is ’yung parang hug lang ng kaibigan, like, behind. Kasi lasing talaga siya, bangag talaga siya,” paglalahad ni Ava.
Dagdag pa niya, “May nakakita na fan na binigyan kami ng malisya na niyayakap ako ni Jak tapos si Jak siyempre nahihilo na. So pagkakaalam ng fan inaamoy ako, tapos parang hinahalikan, which is wala namang ganun na senaryo na nangyari.”
“Lasing ‘yung tao eh. So naghahanap ng parang [sandalan], so ako ‘yung nakitang malapit. So ‘yun ‘yung nangyari,” depensa niya.
Nang tanungin naman siya ni Madam LQ kung papatol ba siya sa taong may jowa.
News
Sofronio Vasquez shocks the music world by signing with Taylor Swift’s record label after making history on The Voice
Sofronio Vasquez shocks the music world by signing with Taylor Swift’s record label after making history on The Voice Years…
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Nag-Iwasan Sa Pagpunta Sa Binyag Ng Anak Nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Nag-Iwasan Sa Pagpunta Sa Binyag Ng Anak Nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo Ipinagdiwang ng…
Vilma Santos Kinaladkad Ni Claudine Barretto Sa Issue?! Ate Vi Ayaw Makisawsaw Sa Gulo Ni Claudine?!
Vilma Santos Kinaladkad Ni Claudine Barretto Sa Issue?! Ate Vi Ayaw Makisawsaw Sa Gulo Ni Claudine?! Kaagad na pinabulaanan…
Vice, Jhong at Vhong Gumawa Ng Paraan Para Mapa Amin Si Kim Chiu Sa Relasyon Nila Ni Paulo
Vice, Jhong at Vhong Gumawa Ng Paraan Para Mapa Amin Si Kim Chiu Sa Relasyon Nila Ni Paulo Sa…
Netizens, Nag-Aabang Na Sa Pelikula Ni Darryl Yap Patungkol Kay Pepsi Paloma
Netizens, Nag-Aabang Na Sa Pelikula Ni Darryl Yap Patungkol Kay Pepsi Paloma Tuloy na ba talaga ang pagpapalabas ng…
ANNE CURTIS SlNAPUBLIKO NA ANG PAGBUBUNTIS SA IBANG LALAKI! ERWAN HEUSSAFF HINDI MATANGGAP!
Anne Curtis Shocks Fans with Revelation About Pregnancy with Another Man; Erwan Heussaff’s Reaction Revealed In an unexpected and dramatic…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply