Karla: “Grabe naman ang comment na ito di na makatao.”

Idinaan ni Karla Estrada, 47, sa social media ang pagkondena sa netizens na aniya’y kinutya ang isang may kapansanan dahil sa iba ang sinusuportahan nitong pulitiko.
Pero ang pagpunang ito ni Karla ay ibinalik sa kanya dahil “selective” at double standard umano ang paraan ng pagbatikos ng actress-host.
Lumalabas na sumbatan ito sa pagitan ng supporters ng magkatunggaling presidential candidates na sina Vice President Leni Robredo at Ferdinand Marcos Jr.
Nagsimula ito nang i-post ni Karla sa Instagram at Twitter ang screenshot ng isang pro-Leni Robredo supporter (Kakampink) na tila kinutya ang isang pro-Marcos Jr. supporter (pro-BBM) na may eye condition.
Base sa screenshot, ang pro-BBM netizen ay nagpahayag ng suporta kay Marcos Jr. sa Facebook.
Nagkomento naman ang Kakampink ng “Weh dilat ka nga”
Sa caption, ipinahayag ni Karla ang pagkadismaya niya dahil kinutya raw ang isang taong may kapansanan dahil lang iba ang sinusuportahan nitong kandidato.
Tweet ni Karla (published as is): “Isa lang ito sa nagutya sa taong may kapansanan ng dahil hindi tayo magkakatugma ng pinaniniwalaan.
“Nakakasulasok na pamamaraan, hindi ka makakatulong sa sinusuportahan mo.”
Sa IG story ni Karla, may dagdag pa siyang pahayag ukol sa isyu.
Aniya: “Hindi ko lang ito kaya kailangan ko lang magsalita, naawa ako sa kalagayan ni kuya na may kapansanan sa mata.
“Grabe naman ang comment na ito di na makatao.”
Maanghang pa niyang sabi: “Yan lang ang kaya mo mangutya??? Porke’t di kayo magkapareho ng pinaglalaban????
“Pasalamat ka na lang at buo ang sanggkap ng mukha mo!”
Nauna nang ipinahayag ni Karla ang pagsuporta niya kay Marcos Jr.
Kumakandidato rin si Karla bilang third nominee ng Tingong party-list, na ang kasalukuyang representative ay si Yedda Romualdez.
Si Romualdez ang isa sa 70 kongresista na bumoto na huwag i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, ang network na kinabibilangan ni Karla.
KAKAMPINKS CASTIGATE KARLA
Hindi pinalampas ng ibang Kakampinks ang ginawang pagbatikos ni Karla sa isang Kakampink.
Ang ilan sa kanila, ibinahagi ang screenshots ng pagbabanta at di kaaya-ayang posts ng ibang pro-BBM.
Kabilang na rito ang death threats kay Robredo at sa supporters nito.
“Sniper ready give me a target hahaha,” komento ng isa.
“Sarap hagisan ng bomba” at “suicide bomber” komento ng isa pa sa kuhang larawan ng isa sa campaign rallies ni Robredo.
Mensahe ng isang Kakampink kay Karla: “Kung kinocall out mo lahat regardless kung sino man ang manok eh baka paniwalaan kapa kaso selective yarn??”
Ang ilan, tinawag na “double standard” ang ginawa ni Karla.
Sumbat naman ng isa pa: “Bakit di mo cino-callout yung mga nambabalahura kay VP Leni dyan sa grupo niyo??”
Ang iba naman ay sinumbatan si Karla sa anila’y mga hindi magandang biro nito sa co-host na si Melai Cantiveros sa kanilang morning talk show na Magandang Buhay.
Paliwanag ng isang Kakampink, hindi nila kukunsintihin ang di magandang asal ng kasamahan nila, pero hiniritan si Karla na maglinis ng sarili nitong bakuran.
Hindi na muling nag-react si Karla.
News
Angel Locsin NAGSALITA na sa pagkamatay ng tatay niya NAGPAKITA na sa PUBLIKO!
Ama ni Angel Locsin, kinumpirma ng pamilya na pumanaw na Kinumpirma ng pamilya ng aktres na si Angel Locsin ang…
Smart-Shaming Ni Karla Estrada Kay Kaladkaren, Pinalagan Ng Netizens!
Naging mainit na usapin sa social media ang biro nina Karla Estrada at Jane De Leon kay Kaladkaren bilang…
Cristine Reyes reveals health condition resulting to severe back pain
Cristine Reyes Naaksid3nte, Bumagsak Tumama Sa Sahig! Nakakaramdam ngayon ng labis na pananakit sa likod ang aktres na si Cristine…
Some AlDub fans still hold on to the hope of an Alden Richards-Maine Mendoza romance
Five Reasons To Love Alden Richards-Yaya Dub tandem of Eat Bulaga At Eat Bulaga, an unlikely love team called “AlDub”…
Carmila, Bumuhos Ang Luha Dahil Sa Pagiging Host Nang Kanyang Anak Sa Eat Bulaga
Nagbigay na ng pahayag ang magulang ng kambal na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi sa mga natatanggap nilang…
Drew Arellano May Nakakaantig Na Video Ni Iya Villania Kasama Ang Bagong Silang Na Anak
Nagbigay ng kaligayahan sa mga netizens at mga sikat na personalidad ang bagong video na ibinahagi ni Drew Arellano…
End of content
No more pages to load