Did Philmar Alipayo just confirm cheating allegations?

Naglabas na ng reaksiyon si Philmar Alipayo kaugnay ng isyung kinasasangkutan nila ngayon ng partner niyang si Andi Eigenmann.
Nag-react ang surfer sa pambabatikos sa kanya ng netizens, tulad ng pagtawag sa kanya ng “cheater” at “ugly.”
Inakusahan ng netizens si Philmar ng pagiging “cheater” matapos ang cryptic posts ni Andi tungkol sa “snake.”
Mahihinuhang batay sa post ni Andi, tao ang pinatutukuyan niyang “snake” na ang pakahulugan ay “mang-aagaw.”
Nagsunud-sunod din ng posts ng aktres matapos pag-usapan ng netizens ang cryptic posts niya.
Sa kanyang recent Instagram posts, binanggit ni Andi ang pakiramdam ng pagiging “betrayed.”
Ipinost din niya ang screenshot ng tanong niya sa ChatGPT, isang artificial intelligence app.
Ang tanong ni Andi, kaduda-duda ba kung ang partner niya at ang kaibigan nitong babae ay nagpalagay ng “love couple tattoo” nang hindi sinasabi sa kanya?
Ang sagot ng ChatGPT, isa raw ito sa mga “red flags.”
Halata rin sa isa pang follow-up post ni Andi na apektado siya kung anuman ang pinagdadaanan.
Kasunod nito, kumalat sa social media ang photos ni Philmar at isang foreign female friend na may matching tattoos: ang mga numerong “224”.
Lumabas din ang photos at posts ng female friend kasama si Philmar na nagpapakita ng kanilang pagiging malapit.
Batay sa social media posts, kasamahan at kaibigan ni Philmar ang babae sa Siargao.
PHILMAR REACTS
Sunud-sunod ang Instagram Stories ni Philmar nitong madaling araw ng Sabado, February 8, 2025, kasunod ng matinding reaction ng netizens.
Aniya, totoo raw ang lahat ng nabasa ng netizens. Hindi naman mawari kung ano sa mga lumalabas na ito ang kinukumpirma ni Philmar.
Ang mga post ni Philmar ay nasa wikang Surigaonon. At ang mga sumusunod ay rough translations ng kanyang mga pahayag.
“Waya nay tagoay kay mas maliso”
(Kung ano man nababasa niyo ngayon, totoo yon/yan Wag na nating itago kasi mas mahirap [or “hihirap lang”])

Sumunod pa niyang post: “Kilaya man kamo kun ono ako na pagka tawo
“So segoro kilaya sab kamo kon ono cja
“Dili na nato taason an tanan”
(Kilala niyo ako kung anong klaseng tao ako, So siguro kilala niyo rin kung ano siya [o anong klase siya]. Wag na natin pahabain pa ang lahat).

Mensahe pa ng professsional surfer sa mga paratang sa kanya, “You can call me a cheater and ugly now
“Pero salamat sa mga tao na nag message at tunay na nakakakilala sa akin”

Ni-repost pa sa kanyang Instagram Story ni Philmar ang direct message sa kanya ng isang netizen na inakusahan siyang cheater at inalipusta ang itsura.
Sagot ni Philmar: It all helps
“All all all I deserve laong paman”
Mistulang tinatanggap na lamang ni Philmar ang mga paratang sa kanya para hindi na humaba ang usapan, pero palaisipan pa rin kung tahasang pag-amin ba ito sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Philmar para kunin ang kanyang panig hinggil sa isyu, pero hindi pa kami nakakatanggap ng sagot.
News
Throwback: Take A Look At Kathryn Bernardo And Daniel Padilla’s Relationship Through The Years
See how their love story changed from reel to real life. PHOTO: Instagram/bernardokath, Instagram/supremo_dp Much has been said about Kathryn Bernardo and Daniel…
DANIEL PADILLA BUMWELTA! 🔥 SINAGOT NA ANG USAPANG KATHRYN AT ALDEN! HUWAG PALAMPASIN!
In a highly anticipated move, heartthrob Daniel Padilla has finally broken his silence regarding the ongoing rumors involving his girlfriend,…
Is This True?! Zoren Legaspi Allegedly Gives Up All His Assets to Carmina Villaroel Amidst Infidelity Scandal!
In an unexpected and dramatic turn of events, rumors have begun to swirl that actor Zoren Legaspi has reportedly given…
Ito na pala ang sitwasyon ngayon ni Charice Pempengco o Jake Zyrus sa America
Jake Zyrus, formerly known as Charice Pempengco, was once the pride of the Philippines when he reached the world with…
Vic Sotto and Pauleen Luna SHOCKED by Baby Mochi’s Ability to STAND Alone
Vic Sotto and Pauleen Luna were left in awe as their youngest daughter, Baby Mochi, took an incredible milestone—standing up…
CLAUDINE BARRETTO NILABAS NA ANG MALAKING LIHIM TUNGKOL SA PAGPANAW NI RICO YAN!
Claudine Barretto sinisi ang sarili sa pagkamatay ni Rico Yan Claudine Barretto TULUYAN nang binasag ng aktres na…
End of content
No more pages to load