Halatang iwas pa si Sue Ramirez na mapag-usapan ang isyu sa kanila ni Dominic Roque.
Kamakailan lang ay spotted sila sa Siargao sa diumano’y isang kissing video. Nasundan pa muli ang sighting sa kanila sa naturang lugar pa rin. Pero nananatiling tikom ang mga bibig nila.
Sue Ramirez and Dominic Roque spotted kissing in Siargao
Photo/s: Screengrab @TikTok
Photo/s: Screengrab @Reddit
Sa ginanap na mediacon ng 2024 MMFF entry na The Kingdom (na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual kunsaan kasama rin sa cast si Sue), dito siya nagbigay ng maikling pahayag.
Sue Ramirez in The Kingdom
Photo/s: BTS from The Kingdom
Habang lumalakad paalis ng venue sa Novotel, hindi kami binigo ni Sue nang sabi nga namin, wala nang paliguy-ligoy sa kung ano talaga ang totoo sa pagitan nila ni Dominic.
Ayon kay Sue, “Basta I’m happy. We’re enjoying each other’s company. That’s all I can say for now.
“Thank you po.”
Pero si Sue na rin ang nagdugtong na, “We’ve been seeing each other.”
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Sue tungkol sa kanila ni Dominic. Si Sue na nanggaling sa limang taong relasyon kay Javi Benitez at si Dominic naman, sa naging break-up nila ng fianceé na si Bea Alonzo.
SUE TRYING HARD NOT TO GET TOO KILIG WHILE WORKING WITH PIOLO
Sa ginanap na mediacon ng The Kingdom, si Sue ay gumaganap bilang si Lualhati, isa sa mga anak ni Lakan (Vic).
Nagkuwento nga si Sue kung paano naman daw magpigil ng kilig kapag ang kaeksena niya ay si Piolo.
“Ako, naramdaman ko bilang artista habang kaeksena si Papa P, chill ka lang. Kumbaga, haharap ka sa kanya pero kunwari, hindi ka kinikilig,” natawang sabi niya.
“I remember si Direk Mike [Tuviera], kasi I have a scene with Papa P, nakausap ko na si Ms. Camille [Montano] sa likod, pagtingin ko, sabi ni Direk Mike sa akin, ‘Ikaw ha! Kunwari pa chill-chill ka lang, pero kilig na kilig ka pala.”
SUE IMMEDIATELY ACCEPTED OFFER TO DO THE KINGDOM
Hindi raw nagdalawang isip si Sue na tanggapin ang pelikula.
“On a serious note, I think, the biggest learning for me as an actor doing this film is complete trust with your co-actors, and also with the production that you’re working with.
“Honestly, selling point talaga nung sinabi na it’s Bossing and Papa P’s movie, I have to be even desperate to say yes.
“Automatically, it’s a yes for me and agad-agad alam ko dahil nandoon ang tiwala ko sa mga kasama ko.
“And of course, I’ve worked with APT many times before. And I know paano sila mag-alaga at mag-ingat sa mga projects na ginagawa nila.
“I have complete and full trust with the people I’ve worked with.”
Ang The Kingdom ay sa direksyon ni Mike Tuviera, sa ilalim ng MQuest Ventures, APT Entertainment at MZet Productions.
News
Pauleen Luna at Vic Sotto Ganito Pala DISIPLINA sa Kanilang ANAK nasi Baby Mochi Sotto!
BREAKING NEWS: Pauleen Luna at Vic Sotto, Ganito Pala Magdisiplina kay Baby Mochi Sotto! Maraming netizens ang namangha sa paraan…
ITO PALA NANGYARI sa SURFING Ni LILO MAG-ISA sa GITNA NG KARAGATAN PANOORIN ANAK Ni ANDI EIGENMAN
Ito Pala Nangyari sa Surfing ni Lilo Mag-isa sa Gitna ng Karagatang Panoorin Anak ni Andi Eigenmann Isang nakakakilig at…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET Introduction Isang nakakagulat na balita ang lumabas mula sa mundo ng entertainment: ang…
Melai Cantiveros plans to have third child, hopes for baby boy
(From left) Jason Francisco, Mela, Stella and Melai Cantiveros. Image: Instagram/@mrandmrsfrancisco Melai Cantiveros revealed that she and her husband…
BREAKING NEWS !! ATONG ANG AND SUNSHINE CRUZ, HAVE SEPARATED!! AWESOME! THIS IS THE REASON! OMG!
In a shocking turn of events, it has been confirmed that Atong Ang and Sunshine Cruz, who had been one…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply