Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay?
PATULOY pa ring pinag-uusapan ng mga Marites ang mga maaanghang na cryptic post ng asawa ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa social media.
Nauna na nga naming isinulat rito sa Bandera ang mga patungkol sa mga Instagram stories ng dating beauty queen na tila nagpapahiwatig na may pinagdaraanan silang mag-asawa.
Bagamat walang direktang pag-amin si Priscilla ay matutunugan naman na tila may umaaligid kay John lalo na nang mag-tanong siya sa kanyang followers ng “What to call a female that entertains married man?”
Marami naman sa mga netizens ang sumagot sa kanyang tanong na ibinahagi rin niya sa kanyang IG story kalakip ang caption na “Thanks to all that reply for helping me to increase my vocabulary with new meaningful words.”
At dahil nga mainit sa mga Marites ang mga IG stories ni Priscilla ay tila nadadawit ang mga dating babaeng naging parte ng buhay ni John Estrada na sina Janice de Belen.
Marami sa mga netizens ang hindi mapigilang mabanggit ang naunang asawa ng aktor.
Matatandaang 2004 nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni John dahil sa annulment at taong 2011 naman nang pakasalan ng aktor si Priscilla.
May mga nagsasabing “karma” raw ng beauty queen ang diumano’y pagloloko ni John sa kanya dahil ito raw ang dahilan ng paghihiwalay nina Janice ngunit bago pa man dumating ang beauty queen sa buhay niya ay nagkaroon ito ng “something” sa co-host nitong si Vanessa Del Bianco sa “Magandang Tanghali Bayan”.
Narito ang mga comment ng netizens sa naunan naming ulat patungkol kay Priscilla.
“Hindi manatili sa asawa gusto iba iba ang lahi ng asawa pero sa lahat ng naging asawa ni John si Janice De Belen ang pinaka maganda kase kaya lang maganda ang ibang asawa ni john may mga lahing mistisa si Janice pure Pilipina maganda,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Hay naku tumigil n kayo sa pambabae niyo..Mr Jhon. matanda kna..maswerte Ka Kay priscilla.. maganda.mabait.beauty queen…wala knang hahanapin pa…magtigil kayong MGA babaero ha…gusto niyo tlga maputol.”
“Once a cheater is always a cheater lifetym n yan,” hirit pa ng isa.
Giit pa ng isa, “Uunahan ko na kayo ah hindi si Priscilla ang 3rd party nila john at janice.Baka may magcocomment na nmn ng karma at back to you jan eh mali mali nman tsismis!”
Anyway, bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ng mga kampong involved sa isyu.
News
Bea Alonzo, ipinaliwanag kung bakit ‘di na niya hinahanap ang tunay niyang ama
Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ipinaliwanag ni Bea Alonzo kung bakit hindi na niya hinahanap ang tunay niyang…
NAKAKAKILABOT! COCO MARTIN may inamin tungkol sa pagpanaw ni JACLYN JOSE
Coco Martin says he had premonition about Jaclyn Jose’s death Coco Martin recalls Jaclyn Jose’s last taping day for FPJ’s…
Angelica Panganiban details surgery for avascular necrosis
Angelica Panganiban chronicles hip replacement surgery Angelica was in chronic pain for two years due to avascular necrosis. Angelica Panganiban…
NAKAKALUNGKOT😭Angelica Panganiban, muling sumailalim ng major hip surgery dahil sa ‘buto death’
Angelica Panganiban undergoes surgery due to ‘bone death’ Abgelica Panganiban Screengrab from The Homans YouTube channel MANILA, Philippines — Actress…
CARMINA VILLAROEL, INILABAS NA ANG ANAK NILA NI RUSTOM PADILLA!
CARMINA VILLAROEL, INILABAS NA ANG ANAK NILA NI RUSTOM PADILLA! Isang nakakagulat at espesyal na balita ang inilabas ng aktres…
Anak ni Pokwang galit kay Lee O’Brian: Gusto n’ya ‘kong palayasin
Lee O’Brian, Pokwang at Mae Subong TINANGKANG palayasin ng American actor na si Lee O’Brian ang anak ni Pokwang na si Mae…
End of content
No more pages to load