Small Laude mourns death of father Andres Eduardo

Rest in peace, Andres Eduardo.
Small Laude mourns death of father Andres Eduardo
Small Laude on the passing her father Andres Eduardo: “I canā€™t believe youā€™re gone. Iā€™m so heartbroken.”



PHOTO/S: Screengrab Small Laude on Instagram

Nagdadalamhati ngayon ang socialite-vlogger na siĀ Small LaudeĀ dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Andres Eduardo.

Namayapa si Andres Eduardo ngayong Biyernes, January 31, 2025.

Siya ay 90 years old.

Sa pamamagitan ng magkakasunod na posts sa Instagram Stories ngayong araw, ibinahagi ni Small ang malungkot na balita.

Sa unang litrato ay makikitang nakayakap si Small sa amang nakaratay sa hospital bed.

Nasa kanyang tabi ang kapatid at businesswoman na si Alice Eduardo.

“Oh my God. I canā€™t believe youā€™re gone. Iā€™m so heartbroken.

“Rest well, Daddeh,” mababasang caption sa Instagram Story ni Small.

Small Laude mourns death of father Andres Eduardo
Photo/s: Small Laude on Instagram

SMALL LAUDE HEARTBROKEN OVER FATHER’S DEATH

Sa hiwalay na post, ibinahagi ni Small ang kuhang video ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

Mapapanood dito ang kulitan nilang mag-ama.

Bakas sa kilalang vlogger ang pangungulila dahil sa caption nito na, “I miss you so much [broken heart emoji].

“Heaven gained an angel, rest easy, daddeh.”

Small Laude mourns death of father Andres Eduardo
Photo/s: Small Laude on Instagram

Kasunod ng video ang obituary art card kung saan nakalagay ang mga detalye sa burol at libing ng ama ni Small.

Small Laude mourns death of father Andres Eduardo
Photo/s: Small Laude on Instagram

Kilala ng mga tagasuporta ni Small ang kanyang ama dahil sa ilang beses nitong paglabas sa YouTube vlog ng socialite, kung kaya’t ganoon na lang din ang kanilang pagkabigla at pagkalungkot sa pagpanaw nito.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na detalye ang pamilya ni Small kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Andres.