Regine: “I invite you to watch my concerts, sure, but I’m not forcing you too.”
Binuweltahan ni Regine Velasquez ang isa niyang basher sa X (formerly X) Twitter. Hindi umano niya ito pinilit na hangaan siya nito. “You decided to do that. I didn’t ask you to. But you saying these things as if ikaw ang bumubuhay sa akin, ano yun?” (Photos: Regine Velasquez-Alcasid FB, @reginevalcasid on X)
Binuweltahan ni Regine Velasquez ang isa niyang basher sa X (dating Twitter) nitong Sabado ng gabi, December 7, 2024.
Mahaba ang naging sagot ng Asia’s Songbird sa X user na may handle na @_MAXHIE.
Sabi ni Regine sa kanyang reply: “When did I ever ask you for something I need? Did I ask you for money?”
Ang screenshot ng reply ni Regine Velasquez sa kanyang basher. Photo: @reginevalcasid on X
Pagbibigay-diin pa niya, “I invite you to watch my concerts, sure, but I’m not forcing you too.
“I ask if you can listen to my songs which are practically free, hindi kita pinipilit. Kung ayaw mo, walang problema sa akin.”
Dagdag pa ni Regine, “Hindi rin naman kita pinilit na hangaan ako. YOU decided to do that; I didn’t ask you to.
“But you saying these things as if ikaw ang bumubuhay sa akin, ano yun?
“You have so much expectations of me. You don’t even know me personally. You just think you know me but you don’t.
“God bless you.”
BASHER’S X ACCOUNT LOCKED
Naka-lock ang account ni @_MAXHIE kaya hindi malinaw kung ano ang naging tweet nito patungkol kay Regine.
Nag-reply naman kay Regine ang mister na si Ogie Alcasid bilang suporta sa kanya: “Baba, I love you.”
Maging ang fans ng Asia’s Songbird ay nagpakita rin ng suporta sa kanya sa pamamagitan ng mga komento.
Kumampi ang mga fans ni Regine Velasquez sa kanya at sinabing dapat din talagang pinapatulan kung minsan ang bashers. Photo: Regine Velasquez-Alcasid FB