Robi: “I don’t tolerate this behavior.”

Robi Domingo claps back at netizen opposing Kathryn Bernardo-Donny Pangilinan pairing
Robi Domingo (center) responds to a netizen’s comment about Kathryn Bernardo (right) and Donny Pangilinan’s (left) possible team-up.



PHOTO/S: Robi Domingo/Kathryn Bernardo/Donny Pangilinan on Instagram

Hindi pinalampas ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang aniya’y pagbabanta sa kanya ng isang netizen tungkol sa posibleng pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan.

Sa Instagram nitong Sabado, February 22, 2025, nag-post si Robi ng mga larawan at video kuha sa photo shoot at taping ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7.

Noong February 21 isinapubliko ng ABS-CBN ang pagbabalik ng PGT, at sa edisyong ito ay si Robi ang magsisilbing host kasama si Melai Cantiveros.

Sina Kathryn at Donny naman ay mga judges kasama sina Eugene Domingo at Freddie “FMG” Garcia, na naging president ng Kapamilya network mula 1997 hanggang 2003.

Balik sa post ni Robi, proud at masaya niyang ibinahagi ang behind-the-scene photos at video.

Isang karangalan para sa kanya na maging bahagi ng PGT, na dati ay pinapanood lang niya.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), “From being a fan to now being part of this legendary show—what a dream come true!

“Honored to be here alongside an amazing team. Pilipinas, let’s celebrate talent like never before. The stage is set!”

ROBI ALARMED BY THREATS HE RECEIVE

Sa comments section ng post ni Robi, isang netizen ang nagkomento na may tonong pagbabanta sa TV host.

Kung saka-sakali man daw na pagtambalin sina Kathryn at Donny sa show, sisiguraduhin daw ng netizen na maba-bash nang husto si Robi ng mga tagahanga ng DonBelle—ang moniker ng love team nina Donny at Belle Mariano.

Komento nito (published as is) “@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready and solid supporters ni Belle Mariano na ibash ka mula ulo mo hanggang paa. WAG MO ITOLERATE yung KA LANDIAN ng peste mong kaibigan.”

Napansin ni Robi sa komentong ito kaya’t agad-agad din niya itong sinagot.

Buwelta ni Robi (published as is), “Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this?

“I don’t tolerate this behavior.”

Robi Domingo claps back at netizen opposing Kathryn-Donny pairing
Photo/s: Screengrab Robi Domingo on Instagram

KATHRYN-DONNY POSSIBLE PAIRING

Naging usap-usapan online ang posibleng pagpapareha kina Kathryn at Donny matapos silang ipakilala bilang mga bagong judges ng PGT.

Bukod pa rito ang napabalitang panliligaw diumano ng aktor kay Kathryn matapos maghiwalay ang aktres at ang long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla.

 

Kung saka-sakaling ipareha si Donny kay Kathryn, paano na ang ka-love team nitong si Belle?

Ayon sa bulung-bulungan, baka ipares daw si Belle kay Robbie Jaworski, na nag-join sa Star Magic late last year.