Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa nagkatotoong hula ng isang fortune teller sa pagpanaw ng isang batikang artista.
Viral ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang nakakakilabot na pangitain ng kilalang fortune teller na si Rudy Baldwin.
Noong February 26, ilang araw bago pumanaw si Jaclyn Jose ibinahagi ni Rudy Baldwin ang kanyang ‘vision’ patungkol sa isang beteranang aktres na hanggang ngayon ay aktibo pa sa showbiz na may maamong mukha ang bigla nalang masasawi dahil sa isang trahedya o aksidente.
Ayon sa pangitain ni Rudy Baldwin hindi pa umano gaanong matanda ang artistang ito at hanggang ngayon ay sikat pa rin ito. Hindi umano nito makakaya ang lakas ng impact ng kanyang aksidente kaya ito nasawi.
Kinilabutan umano si Rudy Baldwin sa kanyang pangitain kaya ipinaalam niya ito sa publiko upang maging maingat na rin ang mga artista.
Marami naman ang kumukonekta sa nasabing pangitain ni Rudy Baldwin sa nangyaring pagpanaw ni Jaclyn Jose. Hanggang ngayon kasi ay sikat pa rin ang aktres at marami pa ring kinabibilangan proyekto kabilang na ang hit teleseryeng Ang Batang Quiapo kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Chief Espinas.
Hindi rin masasabing matanda na ito dahil nasa 60 pa ito at mas malakas pang pangangatawan, ni hindi ito naibalitang nagkasakit.
Iginiit naman ni Rudy Baldwin na limitado laang ang kanyang vision, hindi umano niya nakikita ang mga mukha ng taong involved rito.
Inilahad din niya na kung alam lamang niyang si Jaclyn Jose ang artistang tinutukoy sa kanyang vision ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mailigtas lamang ito.
“Kung pwedE lang lapitan at sabihin ko sa isang tao na ikaw at para sa kanya ang post ko ginawa ko na. Ngunit ang maging reaction ng isang tao ang hindi natin malaman ngunit ilan sa friends ko nasabi ko sa kanila to.
“Hindi lahat ay nakikita ko dahil tao lamang ako at kung hanggang dun lang ipakita ng dios sa akin ay hanggang dun lang din masabi ko.
“Isa si ms. Jaclyn Jose sa mga hinahangaan kung magaling na artista ‘nun paman halos lahat ng pelikula niya ay napanood ko,” pahayag ni Rudy Baldwin.
News
Julia Montes and Coco Martin Introduce Their Daughter to the Public! The Girl Version of COCO!
In a heartwarming announcement that has captured the attention of fans, renowned Filipino actors Julia Montes and Coco Martin have…
LOVI POE MULTI MILLION WORTH HOUSE IN DUBAI LOVI POE HOUSE TOUR
Lovi Poe, one of the Philippines’ most talented and beautiful actresses, has recently shared a glimpse into her luxurious and…
Coco Martin gives Julia Montes huge kiss and hug on her birthday
Julia Montes celebrates 27th birthday on the set of Ang Probinsyano. Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s…
Vice Ganda, Napikon Sa Nanay Ng Batang Nagpa-Picture Sa Kaniya?: Ogie Diaz Nag-React
Lumulutang sa social media ang isang video kung saan makikita si Vice Ganda na tila napikon sa ina…
Daniel Padilla, Balak Nga Bang Ligawan Ulit Si Kathryn Bernardo?
Sa kasalukuyang panahon, napakalaki ng pagpapahalaga ni Daniel Padilla sa kanyang pag-unlad at pagbabago para sa kanyang sarili. Isa…
Management Ni Jaclyn Jose Nagsalita Na Sa Biglaang Pagpanaw Ng Actress Sa Edad Na 59
Kasalukuyang nagluluksa ang local entertainment industry dahil sa paglabas ng balita ng biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si…
End of content
No more pages to load