Makikita sa isang video na magkasama sina Sanya Lopez at David Licauco

Isang exciting project ang pagsasamahan ng Sparkle stars na sina Sanya Lopez at David Licauco.



Sa teaser na in-upload ng GMA Pictures sa social media kamakailan lang, matutunghayan ang pasilip sa pelikulang pagbibidahan nina Sanya at David.

Bukod sa dalawang Kapuso artists, napanood din sa maikling clip si Betong Sumaya, at iba pang aktor.

Tampok sa teaser ang pagkikita nina Sanya at David na may halong nakakakilig na eksena.

Ano kaya ang pamagat at tungkol saan kaya ito?

Sanya Lopez at David Licauco, may bagong project? | GMA Entertainment

Samantala, matatandaang parehas na napanood sina Sanya at David sa GMA’s historical drama na Pulang Araw.

Nakilala sila sa serye bilang sina Teresita at Hiroshi.

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa bagong proyekto nina Sanya at David.