Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang tila nagkaayos na umano sina Sarah Geronimo at Mommy Divine matapos ang maraming taon.
Kahapon, February 20, 2024 ay ipinagdiriwang ng mag-asawang sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang ika-apat na wedding anniversary.
Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pagpapakasal noon ni Sarah Geronimo kay Mateo Guidicelli dahil mahigpit na tinutulan ng kanyang ina na si Mommy Divine ang kanilang relasyon.
Dahil dito, hindi ipinaalam ni Sarah Geronimo sa ina ang pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli, subalit nalaman rin kaagad ito ng kanyang ina kaya naman may iskandalong naganap.
Magmula noon ay pinutol na ni Mommy Divine ang kanyang kaugnayan kay Sarah Geronimo at mula noon ay hindi na kinibo pa ni Mommy Divine si Sarah kahit pa ilang beses itong nag-reach out sa kanyang ina.
Ayon pa sa mga naging pahayag noon ni Matteo Guidicelli kailanman ay hindi kinalimutan ni Sarah Geronimo ang kanyang mga magulang at palagi umanong gumgawa ng paaan si Sarah para makipag-ayos sa mga ito subalit palaging nabibigo ang kanyang asawa.
Kaya naman marami ang natutuwa nang lumabas ang mga balitang nagkaayos na umano sina Sarah Geronimo at ang mga magulang nito lalo na ang kanyang ina na si Mommy Divine.
Ayon sa mga lumalabas na mga haka-haka namagitan umano sa dalawa ang Viva Boss na si Boss Vic para tuluyan nang magkaayos ang mag-ina noong nagdaang January 2024.
Ikinatuwa naman ito ng kanyang mga tagahanga na kaagad na naghinala na ito ang dahilan kung bakit napaka-blooming ngayon ng singer.
Bukod pa rito, masaya rin ang mga fans ni Sarah Geronimo dahil nakakuha rin ng panibagong endorsement si Sarah Geronimo. Siya na ngayon ang brand ambassador ng Hyundai Philippines.
Marami naman ang umaasa na sana ay magtutuloy-tuloy na ang pagkakaayos ng mag-ina na nagkatampuhan sa loob ng mahabang panahon.
Sa ngayon ang tanging hinihiling na lamang ng mga fans nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay sana magkaroon na ang mga ito ng anak na siyang magbubuo sa kanilang pamilya.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load