Sharon at Gabby, magtatagpo sa wedding anniversary nila?

Kung hindi nagkahiwalay sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta bilang mag-asawa, ipagdiriwang ng dalawa sa darating na Linggo, September 23, ang 34th wedding anniversary nila.



But as fate would have it, hindi nagtagal ang pagsasama nina Gabby at Sharon dahil sa irreconcilable differences.

Araw ng Linggo noong September 23, 1984 nang mangyari ang pag-iisang-dibdib nina Sharon at Gabby sa Manila Cathedral.

Ang pagpapakasal nila ang biggest news dahil mga sikat silang artista at mga who’s who sa mundo ng pulitika at showbiz ang mga invited guest.

Chaotic ang atmosphere sa Manila Cathedral dahil dinumog ng libu-libong fans ang kasal nina Gabby at Sharon.

Magaganap sa Linggo, September 23, sa Mall of Asia Arena ang Grand Gathering ng Gabay Guro.

Mga invited performer sina Gabby at Sharon kaya curious ang lahat kung magkakaroon sila ng pagkakataong magkita nang personal, pagkatapos ng kanilang widely-publicized rift.

Parang nananadya ang tadhana dahil araw rin ng Linggo ang malaking event ng Gabay Guro, na idaraos sa petsa ng pagpapakasal nina Gabby at Sharon noong 1984.

Postscript: May balitang nagbitaw ng salita si Gabby na “okey” na siyang wala si Sharon nang magkaroon sila ng hidwaan, ilang buwan na ang nakararaan, kaya may mga nag-aabang sa pagtatagpo nila sa grand gathering ng Gabay Guro sa Linggo dahil dito muling masusubukan ang pagiging propesyunal ng aktor.

Bilib na bilib si Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla sa professionalism ni Gabby nang dumalo ito sa Gabay Guro sa Agusan Del Norte noong April 2018.

Kahit pilay sa paglalakad dahil sa sugat sa paa na may six to eight stitches, nag-perform pa rin si Gabby sa harap ng mga guro na tuwang-tuwa nang makita siya nang personal.

“Inoperahan siya but he was very professional. He committed already. The teachers are expecting him to go to Agusan.

“So, ini-wheelchair siya sa airplane ‘tapos iika-ika siya.

“Sabi namin nung nag-perform siya, huwag ka nang bumaba kasi natatakot kami na baka maapakan siya.

“Nag-panic kami, bigla siyang bumaba, nagkagulo lahat ng teachers.

“‘Tapos pauwi, hindi na siya makalakad,” kuwento ni Chairperson Chaye Cabal-Revilla tungkol sa professionalism ni Gabby.