Christopher, mas click katambal si Vilma kaysa Nora
Magkasamang kinapanayam ni showbiz columnist Cristy Fermin ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at ang award-winning actor na si Christopher De Leon sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Huwebes, Nobyembre 9.
Isa sa mga naitanong ni Cristy kay Christopher ay kung naisip ba umano nito na malagay sa isang sitwasyon kung saan ang mahigpit na katunggali ng dati niyang asawang si Superstar Nora Aunor na si Vilma ay makakatambal niya nang maraming beses.
Sa katunayan, may bagong pelikula ulit sina Christopher at Vilma na kasama pa nga sa Metro Manila Film Festival 2023.
“Ang totoo niyan, wala akong plano. Basta nangyari lang ang lahat. We did several movies together and nagsunod-sunod. And then kinuha kami ni Ishmael Bernal, kinuha kami ni Celso Ad. Castillo, kinuha kami nila Abaya, nila Laurice Guillen, kinuha kami ng magagaling na direktor,” saad ni Christopher.
“Wala kayong pelikula na ipinalabas na hindi tinangkilik. Talagang kayo talaga ‘yung tinatangkilik,” pahayag naman ni Cristy.
Sumegunda naman ng pahayag si Vilma hinggil dito: “Parang sa madaling salita–whether you like it–mas click tayo [Christopher].”
Natawa tuloy silang tatlo sa sinabing itong ni Vilma.
“E, kasi paikot-ikot pa, e. Let’s face it. Mas click kami,” sabi pa ni Vilma.
Sumang-ayon naman dito si Cristy at binuyo pa ang dalawa.
“Oo naman. Sana nga e noong una pa lang nag-click na,” sabi niya.
Sa huli, inimbitahan nina Christopher at Vilma ang madla na panoorin ang kanilang “When I Met You in Tokyo” sa darating na MMFF 2023.
News
BB Gandanghari admits she did not like Mariel for Robin before
BB Gandanghari and Mariel Padilla reveal they once had a long-standing rift before. BB Gandanghati (right) and Mariel Padilla recount…
Heaven Peralejo recounts a haunting experience at former condo unit
Heaven Peralejo: “So, after nung nalaman ko, tumaas talaga yung balahibo ko!” Heaven Peralejo: “Sa corner pala nung kuwarto ko…
Ivana Alawi reacts to psychic Rudy Baldwin’s grim prediction
Ivana Alawi reacts to psychic Rudy Baldwin’s grim prediction Ivana Alawi: “Walang katotohanan na magkaka-cancer ako.” Ivana Alawi on handling…
Angel Locsin NAGSALITA na sa pagkamatay ng tatay niya NAGPAKITA na sa PUBLIKO!
Ama ni Angel Locsin, kinumpirma ng pamilya na pumanaw na Kinumpirma ng pamilya ng aktres na si Angel Locsin ang…
Netizens slam Karla Estrada for alleged double standard
Karla: “Grabe naman ang comment na ito di na makatao.” Actress-host Karla Estrada to a Kakampink who posted a comment…
Smart-Shaming Ni Karla Estrada Kay Kaladkaren, Pinalagan Ng Netizens!
Naging mainit na usapin sa social media ang biro nina Karla Estrada at Jane De Leon kay Kaladkaren bilang…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply