Marian also denies reports that she is pregnant
Na-hurt ako sa kanya dahil kung ako ang tatanungin ng ganoong katanungan, ang isasagot ko, ‘Wala po akong alam diyan’ o ‘Wala po ako sa posisyon na sumagot diyan.’ Nagkaroon ng malisya ang pag smile-smile niya. Inaamin ko, na-hurt ako,” says Marian Rivera about Karylle’s answer when asked on The Buzz if Marian is pregnant.
Last to arrive si Marian Rivera for the second grand press conference of Desperadas 2, one of the two entries of Regal Entertainment in the 2008 Metro Manila Film Festival, at noon today, December 15, at Imperial Palace Suites.
Directed by Joel Lamangan, almost kumpleto ang cast na dumating including her four “sisters”: Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, and Ogie Alcasid; pati na rin ang mga leading men nilang sina Jay-R, Christian Vasquez, TJ Trinidad, Will Devaughn, at Carlo Guevara.
Naka-cast pa rin ang paa ni Marian at doon muna siya tumuloy sa doctor niya para ayusin ito. Pag-upo ni Marian na katabi si Rufa Mae, isang unnoticed incident ang nangyari. Katapat niya ang isa sa mga beteranong manunulat na bago pa lang dumating si Marian ay may galit nang nagkukuwento sa isang insidente patungkol sa pagiging “plastikada” raw ni Marian. Nangako ang manunulat na sasabihin niya ito nang harapan sa aktres kung sakaling dumating ito.
Nagkataon naman na pagdating ni Marian, sa harap mismo ng manunulat siya napaupo sa presidential table. Nang nagkaroon sila ng eye contact, tuwirang sinabi ng manunulat, “Plastikada ka!” bago ito tumayo.
Nagulat din si Rufa Mae na nakasaksi sa pangyayari. Pero dahil nasa presidential table pa sila at tuluy-tuloy ang question-and-answer portion, hindi sila makatayo at makapagtanong-tanong.
Sa interview ni Karylle sa The Buzz kahapon, December 14, nag-smile lang ang ex-girlfriend ni Dingdong Dantes sa panghuling tanong ni Boy Abunda kung buntis ba si Marian. Kaya ang huling tanong kanina kay Marian sa presscon ay kung buntis nga ba siya, gaya ng mga nasusulat.
Ngumiti muna si Marian at dinaan sa patawa ang unang statement niya. “Puwede bang smile na lang din ang isagot ko?” aniya.
Pagkuwa’y sumagot siya nang harapan, “Hindi po ako buntis.”
Patuloy niya, “Na-hurt ako sa kanya [Karylle] dahil kung ako ang tatanungin ng ganoong katanungan, ang isasagot ko, ‘Wala po akong alam diyan’ o ‘Wala po ako sa posisyon na sumagot diyan.’ Nagkaroon ng malisya ang pag smile-smile niya. Inaamin ko, na-hurt ako.”
Ni minsan ay hindi binanggit ni Marian ang pangalan ni Karylle. Puro “niya” at “siya” lang ang naging pagtawag niya rito.
Dito na nagsimulang gumaralgal ang boses ni Marian at namula ang mata.
“Na-offend talaga ako,” sabi niya. “Hindi naman ako tanga at lalong hindi na ako bata para magkamali ng ganoon na magpabuntis. Marami pa akong gustong mangyari sa career ko at kung mangyayari man yun, ako na ang magsasabi sa inyo. Isa pa, kung mag-boyfriend kami ni Dingdong, ako ang unang aamin dahil lahat naman ng naging boyfriend ko, naging proud ako.”
Dagdag niya, “Makakasagot naman siya [Karylle] dahil may alam naman siya. Sana hindi niya na lang idinaan sa pa-smile-smile.”
Mas lalong uminit ang interview nang mag-comment ang isang beteranong manunulat sa microphone na baka kaya naisip ito ni Karylle ay dahil baka raw may nangyayari na sa kanila ni Dingdong bago pa sila nagkahiwalay.
Napag-react ang napakaraming press sa statement na ito kung kaya’t mabilisang pinutol ang question-and-answer. Si Marian na ang dinumog ng press.
News
Drew Arellano May Nakakaantig Na Video Ni Iya Villania Kasama Ang Bagong Silang Na Anak
Nagbigay ng kaligayahan sa mga netizens at mga sikat na personalidad ang bagong video na ibinahagi ni Drew Arellano…
Sunshine Cruz, Cesar Montano Magkasamang Ipinagdiwang Ang Graduation Ng Anak
Ang unang anak ng dating mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Isabelle ay nagdiwang ng isang…
Elisse Joson’s Shocking Revelation About Her Latest Breakup With McCoy!
The romantic journey of showbiz couple Elisse Joson and McCoy de Leon has been under the public eye for quite…
“Vilma Santos and Jessy Mendiola are in shock as Baby Peanut’s condition takes a drastic turn—this is worse than anyone expected!”
The heartbreaking reality surrounding Baby Peanut’s health has left many of his loved ones, including prominent stars Vilma Santos and…
‘Wasted five years of my life’: Moira Dela Torre’s new song sparks rumors about ex Jason Hernandez’s cheating
Moira Dela Torre and Jason Marvin Hernandez with their dogs Caramel and Pochi Moira Dela Torre via Instagram MANILA, Philippines…
SHOCKING NEWS: Moira Dela Torre Reveals She’s Pregnant! Sam Milby Is Going to Be a DAD—What Happens Next?
Moira Dela Torre Announces She’s Pregnant! Sam Milby Set to Become a Father! In a heartwarming announcement that has sent…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply