Naging makahulugan muli ang mga banat ni Vice Ganda sa kamakailang episode ng It’s Showtime matapos tila muli nitong paringgan ang ex-boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim.
Sa latest episode ng It’s Showtime, nagbigay ng mga saloobin ang mga It’s Showtime host na kinabibilangan nina Vice Ganda, Kim Chiu, Jhong Hilario at Vhong Navarro patungkol sa pagtanggap ng pasalubong ng kanilang contestant na lalaki habang ito ay makikipaghiwalay na ito sa babae.
Kaagad naman itong iniugnay ni Vice Ganda kay Kim Chiu base sa mga isiniwalat ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa request ni Xian Lim na ipagluto siya ni Kim Chiu ng paborito nitong steak bago makipaghiwalay.
Ayon kay Vice Ganda sa lalaking contestant, sana hindi na lamang nito kinuha ang regalo ng kanyang nobya dahil makikipag-break na rin naman siya rito. Pabitin pang ipinahayag ni Vice Ganda na katulad rin ito sa nangyari sa kanyang kakilala na pinagluto pa bago.
Habang hindi sinasabi ang buong sentence ay sumulyap naman ang Unkabogable Star kay Kim Chiu na may makahulugang ngiti.
Nagulat naman si Kim Chiu sa sinabi ni Vice Ganda at hindi kaagad naka-imik at nakapagreact sa biglaang pagsingit ni Vice Ganda sa kanyang karanasan.
Matatandaan na sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz, isiniwalat nito ang nakarating sa kanyang balita patungkol sa ginawa ni Xian Lim bago makipaghiwalay kay Kim Chiu.
Ayon kay Ogie Diaz, sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang source na bago hiniwalayan ni Xian Lim si Kim Chiu ay nagrequest muna ang Kapuso actor na ipagluto siya ni Kim Chiu ng paboritong steak.
Habang kumakain ng steak ay dito na sinabi ni Xian Lim na tinatapos na niya ang kanilang relasyon sa loob ng mahigit isang dekada.
Hindi naman ito kinukumpirma ni Ogie Diaz at bukas rin umano siya sa reaksyon at paglilinaw ng dalawang kampo patungkol sa katotohanan ng nasabing isyu.
Subalit, dahil sa birada ni Vice Ganda sa kamakailang episode ng It’s Showtime marami ang naniniwala na may katotohanan ang mga isiniwalat ni Ogie Diaz patungkol sa nangyari bago ang hiwalayang Kim Chiu at Xian Lim.
News
Pauleen Luna at Vic Sotto Ganito Pala DISIPLINA sa Kanilang ANAK nasi Baby Mochi Sotto!
BREAKING NEWS: Pauleen Luna at Vic Sotto, Ganito Pala Magdisiplina kay Baby Mochi Sotto! Maraming netizens ang namangha sa paraan…
ITO PALA NANGYARI sa SURFING Ni LILO MAG-ISA sa GITNA NG KARAGATAN PANOORIN ANAK Ni ANDI EIGENMAN
Ito Pala Nangyari sa Surfing ni Lilo Mag-isa sa Gitna ng Karagatang Panoorin Anak ni Andi Eigenmann Isang nakakakilig at…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET Introduction Isang nakakagulat na balita ang lumabas mula sa mundo ng entertainment: ang…
Melai Cantiveros plans to have third child, hopes for baby boy
(From left) Jason Francisco, Mela, Stella and Melai Cantiveros. Image: Instagram/@mrandmrsfrancisco Melai Cantiveros revealed that she and her husband…
BREAKING NEWS !! ATONG ANG AND SUNSHINE CRUZ, HAVE SEPARATED!! AWESOME! THIS IS THE REASON! OMG!
In a shocking turn of events, it has been confirmed that Atong Ang and Sunshine Cruz, who had been one…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply