Sunshine on good terms with ex Cesar Montano

Binalikan ni Sunshine Cruz, 46, na right timing ang pagkakaayos nila ng ex-husband na si Cesar Montano, 61, isang taon na ang nakararaan.
Naging daan pa ang kanilang anak na si Sam para masimulan ang magandang relasyon ng kanilang blended family.
Tanong ng PEP.ph (Phililippine Entertainment Portal), sinong nag-initiate ng kanilang reconciliation?
“Nung nag-debut si Sam, of course, I had to be there, I’m the mom. And he said he’s going to attend with his partner, si Kath. Dun nagsimula lahat,” nakangiting sagot ni Sunshine.
Ang tatlong anak nina Sunshine at Cesar ay sina Angelina, Sam, at Chesca. Sina Cesar at Kath Angeles ay may tatlo ring anak na sina Liam, Samuel, at Kristen.
FROM CONTROVERSIAL SPLIT TO BLENDED FAMILY
September 18, 2000 nang ikinasal sina Sunshine at Cesar sa tabing-dagat sa Manila Bay, na pamoso sa magandang sunset view nito.
January 2013 nang naghiwalay ang couple dahil sa isyung third party. Taong 2014 nang mag-file ng annulment si Sunshine, at pinaboran ito ng korte noong 2018.
Noong 2022, hindi lang basta nagkabati sina Sunshine at Cesar kundi nagkakasama pa sila ng kanilang tatlong dalagang anak, pati na rin ang partner ni Cesar na si Kath at kanilang mga anak.
Kasama rin nila si Diego Loyzaga, anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga.
Hindi naman daw nasopresa si Sunshine na naging posible ang kanilang blended family.
“I think it’s possible as long as may forgiveness sa heart natin.
“And eventually, I know naman na kumbaga sa sugat, lahat naman ng mga sugat naghihilom in God’s time,” saad ni Sunshine.
Dagdag pa niya, “Well, I’ve always expected that this will happen in God’s perfect time. Everyone’s happy especially my children.
“Yun naman ang importante, yung kaligayahan ng mga bata.”
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Sunshine sa GMA Gala 2023 nang dumaan siya sa Summit Media booth noong July 22, 2023.
MUM ABOUT LOVE LIFE
Tikom naman ang bibig ni Sunshine nang kumustahin ang kanyang buhay pag-ibig.
Aniya, “Naku! Let’s not talk about my love life anymore, ang baduy.
“Not for anything, tingin ko kasi, sa edad kong ito, hindi na dapat masyado tina-tackle ang love life at personal life.
“Doon na lang tayo sa career, sa mga bata.”
Naka-focus daw si Sunshine sa pagtrabaho at pag-ipon para mas maka-travel kasama ang mga anak.
“Yun ang pinakaimportante sa akin. Habang puwede ko pa sila makasama, hindi pa sila nagbo-boyfriend at nag-aasawa, ako muna ang kanilang date,” nakangiting sabi ng aktres.
Kabilang si Sunshine sa cast ng ongoing prime-time series na Unbreak My Heart, na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Gabbi Garcia, at Richard Yap. Prinodyus ito ng ABS-CBN, GMA-7, at Viu.
BREAKUP WITH MACKY MATHAY
Hindi naman kaila sa mga masugid na tagasubaybay ni Sunshine na nauwi sa hiwalayan ang relasyon nito sa San Juan City councilor na si Macky Mathay.
Magkasama pa ang mga ito sa debut ni Sam noong August 2022.
Pero makalipas lamang ang isang buwan, noong October 2022, natunugan ng netizens na may pinagdadaanan si Sunshine nang mag-post siya ng cryptic posts sa Instagram na may ugnayan sa hiwalayan.
Naging kapansin-pansin ding na hindi na nakikitang magkasama ang couple, lalo pa’t noon ay madalas na may sweet pictures together ang mga ito.
Noong July 2023, kinumpirma ni Sunshine ang breakup nila ni Macky at sinabing ang dahilan ay “hindi na nagli-level up yung relationship.”
News
Sylvia Sanchez revealed the urgent request to Arjo Atayde and Maine Mendoza. What exactly is that?
Sylvia Sanchez: “Kung saan sila masaya, doon ako.” Sylvia Sanchez on son Arjo Atayde and Maine Mendoza getting married: “Bahala…
Sylvia Sanchez On Allegation That She, Arjo Atayde Are Just Using Maine Mendoza: ‘Alam ni Maine ang katotohanan’
Sylvia Sanchez slammed this allegation against her and her son Arjo Atayde Veteran actress Sylvia Sanchez is aware that bashers are…
Arjo Atayde Arrested by Police! Sylvia Sanchez Upset with Maine Mendoza!
In a shocking turn of events, Filipino actor Arjo Atayde has been arrested by the police, sending waves of surprise…
Breaking News: Cesar Montano Catches Sunshine Cruz and Atong Ang Together!
In a shocking turn of events, actor and director Cesar Montano has reportedly caught his ex-partner, Sunshine Cruz, with businessman…
NAIBUKING: Ang Nakakagulat na Pag-amin ni Priscilla Meirelles habang Inihayag ni Janice De Belen ang Tunay na Kwento ng Kanilang Kontrobersyal na Nakaraan—Ang Tunay na Nangyari ay Mag-iiwan sa Iyo ng Pagkagulat!
In an emotional and highly anticipated interview, Priscilla Meirelles has finally broken her silence about her connection to Janice De Belen, the ex-wife…
MAINIT NA BALITA: Kris Aquino BINASAG ang kanyang SILENCE tungkol sa mga CHISMIS ng kanyang kamatayan! Nasa KRITIKAL NA BA siya?!
MAINIT NA BALITA: Kris Aquino BINASAG ang kanyang SILENCE tungkol sa mga CHISMIS ng kanyang kamatayan! Nasa KRITIKAL NA BA…
End of content
No more pages to load