Taong 2024, nabalot ng mga isyu ng rape at sexual harassment

Update sa mga kaso nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, TV5 male talent.

sandro gerald enzo sexual harassment



The year 2024 was marred by news about sexual harassment and rape issues involving some male celebrities including (from left) Sandro Muhlach, Gerald Santos, and Enzo Almario.
PHOTO/S: Facebook

Trigger Warning: Mention of rape, sexual abuse, sexual harassment

SANDRO MUHLACH VS JOJO NONES, DODE CRUZ

Ang latest na update sa kasong ito ay magkakaroon na raw ng arraignment sa January 17, 2025, na gaganapin sa Manila Trial Court 46, RTC 114.

Posible kayang magtagpo doon sa korte sina Sandro, Cruz at Nones?

Tiyak ang pagdalo ng dalawang independent contractors para sagutin ang arraignment na inaasahan na naming magpi-plead sila ng Not Guilty.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aalamin pa kung dadalo si Sandro, at kung ano ang magiging reaksiyon niya pag nag-Not Guilty ang dalawa.

Read: Sandro Muhlach, idinetalye ang naranasan umanong pang-aabuso

GERALD SANTOS, ENZO ALMARIO VS DANNY TAN

Dahil sa kasong ito ni Sandro, binuhay ng singer na si Gerald Santos ang reklamo niya laban sa musical director na si Danny Tan.

Ayon kay Gerald, 15 years old lamang siya nang halayin ni Danny noong December 26, 2005.

Read: Gerald Santos speaks up about “sexual harassment” at 15

Nagsalita rin ang kapwa singer ni Gerald na si Enzo Almario, na 12 anyos lang daw nang halayin ni Danny.

Paulit-ulit umanong nagpasasa si Danny sa kanyang murang katawan, at minsan ay tatlo pa raw silang binatilyo na inabuso nito.

Read: Enzo Almario, umaming biktima ng rape sa edad na 12

RITA DANIELA VS ARCHIE ALEMANIA

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang reklamong sexual harassment na inihain ni Rita Daniela laban sa Widows’ War co-star niyang si Archie Alemania.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa darating na Martes, January 7, ay magpa-file na si Archie ng rejoinder at pagkatapos niya itong isumite ay hihintayin na lang ang resolution ng piskalya kung aakyat ang kaso o hindi.
Read more about

rape
sexual harassment
Sandro Muhlach
Gerald Santos
enzo almario

Patuloy pa rin nating susubaybayan kung ano ang magiging kahihinatnan ng mga kasong ito.

Sana, wala nang kasunod na panibagong reklamo ng sexual harassment at rape.

Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania

OPENING A CAN OF WORMS

Sa pagsisiwalat ng 23-anyos na si Sandro ng karanasan niya kina Jojo at Dode na nagpasasa umano sa kanyang katawan, tila nabuksan ang isang lata ng mga bulate.

Nanariwa ang sugat sa puso at kaluluwa ng 33-anyos na si Gerald Santos.

Pinangalanan na niya ang composer at musical director na si Danny Tan na humalay raw sa kanya noong 15 anyos pa lamang siya.

Nagsalita kapagkuwan si Enzo Almario na 12 anyos daw siya nang unang halayin ni Danny, at nasundan daw iyon nang ilang beses pa.

GERALD SANTOS CONCERT AND LATEST SINGLE

Sa USA nag-Pasko at Bagong Taon si Gerald kapiling ang girlfriend niyang si Grace Torrecampo.

Ngayong Enero 3, 2025, Biyernes ng gabi, ay may fundraising show si Gerald sa Woodside, Queens neighborhood sa New York City, USA.

Bahagi ng malilikom na pondo ay ibibigay sa piling iskolar para sa kanilang college tuition fee.

gerald santos concert

Sa Enero 10, Biyernes, ay ire-release sa digital music platforms ang latest single ni Gerald na “Hubad.”

May teaser iyon sa Facebook account ni Gerald.

Bahagi ng lyrics niyon, “Ako ay hubad/ Hubad, hubad sa pag-ibig sa ‘yo…”

Sa Enero 24, Biyernes ng gabi, naman ang Courage concert ni Gerald sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.

Ilu-launch doon ang adhikain ni Gerald na Courage Movement para sa mga biktima ng panghahalay.

TV5 MALE TALENT VS CLIFF GINGCO

Tungkol naman sa kaso ng unnamed male talent ng TV5 laban sa dating program manager ng Budol Alert na si Cliff Gingco, nabalitaan natin na tuluy-tuloy ang pagdinig sa kaso.

VICTOR RELOSA’S REVELATION

Sa Christmas party ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Disyembre 2, 2024 sa RAMPA drag club sa Quezon City, inamin ng VMX actor na si Victor Relosa na pinagsamantalahan siya ng isang pari.

Nangyari raw iyon noong 2011 na Grade 6 or first year high school pa lamang siya.

Ang pelikula ni Victor na Mama’s Boy ay nag-streaming sa VMX noong Disyembre 31, Martes.

Ngayong Enero 3, Biyernes, ay ito na ang nanguna sa nasabing streaming platform.

Tatlong babae ang nakaharutan ni Victor sa Mama’s Boy — sina Sahara Bernales, Stephanie Raz, at Ada Hermosa.

Naghubad at nakipaglampungan din dito si Josh Ivan Morales, na gumanap bilang ama ni Victor.

victor relosa mama's boy

Vicror Relosa in Mama’s Boy 
Photo/s: VMX Philippines

Ang Top 10 sa VMX today — Mama’s Boy, Boy Kaldag, Climax, Himas, Secret Sessions, Pilya, Throuple, Balinsasayaw, Lamas, at Dilig.

PEPSI PALOMA RAPE CASE

Sa ika-17 pelikula ni Direk Daryll Yap na The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP), ang teaser ay pinasabog ng VinCentiments online noong Enero 1, Miyerkules ng 5:00 P.M.

Ayon kay Direk Daryll, umabot sa 34M views sa Facebook at Tiktok ang nasabing teaser within 24 hours.

Marami sa mga kabataan ay hindi na kilala si Pepsi Paloma.

Isa si Pepsi sa Softdrink Beauties na pinasikat noon ng talent manager na si Dr. Rey de la Cruz. Ang dalawa pa ay sina Sarsi Emmanuel at Coca Nicolas.

Memorable sa akin ang mga pelikula ni Pepsi na The Victim (1982), Virgin People (1983), Snake Sisters (1983), at Naked Island (1984).

Iyong The Victim ay sinulat at idinirek ni Danny Ochoa.

Ang tagline nito, “ako’y pumasok na mananayaw upang may ipagtawid-buhay.”

the victim poster
Abangan natin kung maipapalabas sa mga sinehan itong TROPP sa Pebrero 2025.

MALE TALENT FILES COMPLAINT VS INDIE MOVIE DIRECTOR

Inilantad ng PEP Troika ang reklamo ng isang promding male talent, na 13 anyos lamang daw nang umpisahang halayin ng isang bading na indie movie director.

Hanggang Agosto 2024 ay nagpasasa raw ang indie movie director sa katawan ng promding male talent.

Nanlumo ang promding male talent na vinideo pala ng indie movie director sa iPhone nito ang panghahalay sa kanya.

Marami pa raw ibang kabataang lalaki na nag-aartista ang hinalay ng indie movie director.

Ang iba raw sa mga binatilyong iyon ay OK lang na i-video ang pagtatalik dahil may kapalit na pera o gadgets.

Inireklamo ng promding male talent ang indie movie director sa paglabag sa Republic Act No. 9995 “An Act Defining And Penalizing The Crime Of Photo And Video Voyeurism, Prescribing Penalties Therefor, And For Other Purposes” in relation to RA 10175 “Anti-Cybercrime Prevention Act” at Republic Act 7610 “An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, and for Other Purposes.”

Idinahilan ng promding male talent ang ginawa sa kanya ng indie movie director na “pambababoy at sexual na pang-aabuso noong ako ay menor de edad pa lamang… na nagdulot sa akin ng takot, pangamba, pagkahiya sa aking sarili at iba pang damages.”