Toni binuking ni Paul: Minsan siya talaga nagyayaya ng sex all the time!

Paul Soriano at Toni Gonzaga



 

MAS naging agresibo at outspoken ang TV host-actress na si Toni Gonzaga sa ilang taong pagsasama nila ni Paul Soriano bilang mag-asawa.

Iyan ang isa sa rebelasyon ni Direk Paul nang mapag-usapan ang tungkol sa “most significant change” sa relasyon nilang dalawa as married couple.

Sumabak ang mag-asawa sa “Answering Hot Questions Infront of Your Partner” challenge sa bagong YouTube vlog ng kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.

Isa nga sa mga natanong kina Toni at Paul ay ang tungkol sa mga naging pagbabago sa kanilang ugali mula noong magsama sila bilang mag-asawa.

Sagot ng direktor at producer, “Mikee and Tin are the same. Very quiet before. Ngayon very outspoken. Communicating more now. Telling me how she feels, what she wants and of course, sweeter. Minsan siya talaga nagyaya ng s3x all the time.”


Sinaway siyang bigla ni Toni nang napunta na ang usapan sa kanilang s3x life, “Ito naman nakakaano, eh! Hindi naman nakakatawa ‘yong mga ganoon, sinasama pa ‘yung mga ganu’n.

“Pareho kasi sila ng humor (ni Alex). Dinadaan nila sa bastos para matawa sila sa isa’t isa,” ang tila nahihiya pang sey ni Toni.

Kasunod nito, ibinahagi rin ng aktres ang most significant change ni Paul sa kanilang relasyon.

Saad ng aktres, “Ako, ang significat change kay Paul, ayaw kong i-involve sa anything na ginagawa ni Paul. Ngayon, talagang everything ito na, ito na talaga lahat ginagawa ko.

“E, kasi dati nga wala akong pakialam sa ganu’n. Ngayon, nakikialam na ako. Lahat pinakikialaman ko na. ‘Ano ‘yan? Sino ‘yan? Anong mayro’n diyan?’” dire-diretsong sabi ni Toni.

Reaksyon naman ni Paul, “To the point na ‘yung mga briefs ko binibili na niya.”

Halos isang dekada nang mag-asawa sina Toni at Paul at biniyayaan ng dalawang anak.