Ibinulgar ng sikat na showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa episode ng kanyang showbiz oriented vlog sa kanyang YouTube channel ang dahilan kung bakit ibinibenta na nina Karla Estrada ang kanilang bahay sa Quezon City.
Ayon sa nakarating kay Ogie Diaz, matagal na umanong gustong ibenta ni Karla Estrada ang nasabing property dahil gusto nitong lumipat somewhere south.
Buong pahayag ni Ogie Diaz, “Iisipin ng mga tao, saan naman sila titira? Naghihirap na ba ang pamilya ni Daniel Padilla kaya nagbebenta ng bahay? My goodness, alam niyo ang importante, may ibebenta.”
Dagdag pa ni Ogie Diaz, “Ang alam ko kasi, parang gusto ni Karla ibenta na talaga ang bahay. Kasi gusto nang lumipat ni Karla sa bandang south.”
Marami naman ang naghinala na nais na umanong magsimula ng panibago ang pamilya ni Daniel Padilla matapos ang natanggap nilang pambabatikos mula noong 2022 National Elections Election campaign at ang naging hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kamakailan lamang naganap.
May mga naghinala pa na tila nais na umanong kalimutan ng pamilya ang nakaraan lalo na ang parte ni Kathryn Bernardo na nakasama rin nila sa kanilang buhay sa loob ng 11 years.
Si Daniel John Elago Ford ay ipinanganak noong April 26, 1995. Kilala siya sa showbiz bilang si Daniel Padilla, isang Filipino artist at singer. Kinilala si Daniel Padilla bilang isa sa mga pinakakilalang batang aktor sa Pilipinas.
Siya ay tumatanggap ng maraming parangal sa telebisyon, pelikula, at musika, kabilang ang FAMAS Award para sa Best Actor at PMPC Star Award para sa Movie Actor of the Year, pati na rin ang tatlong nominasyon ng World Music Awards.
Kilala rin si Daniel Padilla sa showbiz bilang conservative boyfriend noon ni Kathryn Bernardo dahil sa pagiging istrikto nito sa pananamit ng aktres. Subalit ikinagulat ng lahat ng lumabas ang mga balitang kaya naghiwalay ang dalawa dahil sa pambabae ng aktor.
Karamihan pa sa mga naging babae nito ay mga kakilala lamang ni Kathryn Bernardo.
News
HINDI KA MAKAPANIWALA! Christopher de Leon, Nagbukas Tungkol sa Hiwalayan Nila ni Andy Andolong
HINDI KA MAKAPANIWALA! Christopher de Leon, Nagbukas Tungkol sa Hiwalayan Nila ni Andy Andolong Introduksiyon Isang nakakagulat na balita ang…
Pepsi na-insecure sa tagumpay ni Sarsi: Kaya ayaw niya sa ‘kin
Pepsi Paloma at Sarsi Emmanuelle PASABOG ang rebelasyon ng dating sexy actress na si Sarsi Emmanuelle tungkol sa kapwa niya…
Christopher de Leon recalls wife Sandy Andolong’s encounter with burglar inside home
Actor Christopher de Leon shared that his wife Sandy Andolong found the man hiding inside their closet! Christopher de Leon…
Advise ni BB Gandanghari sa pamangking si Kylie Padilla at kay Aljur Abrenica: “Try to keep your dirty linen in the washroom.”
Photos: @gandangharibb / @kylienicolepadilla / @ajabrenica Hanggang hiwalayan lang daw ang isyung alam ni BB Gandanghari tungkol sa kanyang pamangkin…
It’s official: Alden Richards and Bea Alonzo to star in PH movie adaptation of ‘Pure Soul’
Viva Films, GMA Pictures, and APT Entertainment sign a partnership to co-produce the Philippine movie adaptation of Japanese TV drama…
Xian Gaza hits back at Min Bernardo: KathNiel reconciliation is real
SOCIAL media personality Xian Gaza pushed back against Min Bernardo’s warning about fake news regarding her daughter Kathryn Bernardo’s love…
End of content
No more pages to load