Vicki Belo on Maris: “She’s a Belo baby and therefore family. We love her!”
Two endorsements of embattled actress Maris Racal stay by her side amid her current controversy involving actor Anthony Jennings and non-showbiz girlfriend Jamela Villanueva (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
Sa kabila ng napabalitang pag-atras ng ilang endorsements ni Maris Racal, may brands at kumpanyang nananatiling nasa likod ng aktres.
Ito ay sa gitna ng pagkakasangkot niya sa hiwalayan ni Anthony Jennings at ng non-showbiz girlfriend nitong si Jamela Villanueva.
Sa Instagram Story ng skin care company na Snail White Philippines kagabi, December 9, 2024, nagbahagi sila ng mensahe ng suporta sa kanilang endorser na si Maris.
Ginamit nila ang talata mula sa 1711 poem na An Essay on Criticism ni Alexander Pope na “To err is human, to forgive is divine…”
Dinagdagan nila ito ng linyang “keep glowing.”
Photo/s: Courtesy: Instagram
BELO MEDICAL GROUP SHOWS SUPPORT FOR MARIS RACAL
Maging ang Belo Medical Group ay nananatili pa ring nakasuporta kay Maris.
Sa kolum ni Jun Lalin sa Abante, si Dra. Vicki Belo mismo ang nagsabing mahal nito si Maris.
Ayon sa text nito kay Jun, “Of course. She’s a Belo baby and therefore family. We love her!”
Makikita pa rin ang bagong billboards ni Maris para sa Belo sa mga tanyag na daanan.
DAZZLE ME ENDS PARTNERSHIP WITH MARIS RACAL
Ilang araw matapos pumutok ang issue nina Maris at Anthony, inanunsiyo ng Dazzle Me, isang beauty, cosmetic, and personal care brand, na tinapos na nila ang kanilang partnership sa aktres.
Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang ilunsad si Maris bilang brand ambassador ng nasabing produkto.
Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook noong December 5, 2024, inihayag ng Dazzle Me ang kanilang statement.
Hindi umano ito madaling gawin.
Pero kailangan daw nila itong gawin para mapanatili ang integridad ng kanilang produkto.
Pahayag ng Dazzle Me: “At Dazzle Me, we have always been about inclusivity, authenticity, and making the right choices even when they’re tough or uncomfortable.
“These values are at the heart of the brand and in everything we do.
“After thoughtful consideration, we have made the difficult decision to end our partnership with Maris Racal.
“Working with her has been an amazing journey – her energy, humor, and authenticity resonated deeply with our vision of a bold and inspiring Gen Z icon.”
Nakiusap din ang Dazzle Me na kahit tinapos na nila ang partnership kay Maris, sana raw ay panatilihin pa rin ang “kindness and empathy” online.
Dagdag pa sa statement: “However, we determined that moving in a different direction is necessary to remain consistent with the principles that guide our brand.
“As we move forward, may we also take this moment to advocate for kindness and empathy within the online space.
“Dazzle Me remains dedicated in encouraging everyone to make choices rooted in chosen values and principles.
“Thank you for your understanding and supporting the values that make us Bold, Boundless, and Beautiful.”
Kapansin-pansin ding wala nang mga larawan si Maris sa social media accounts ng Dazzle Me.