Vic Sotto: “Si Bimby, parang hindi siya aware sa nangyayari sa labas, e. Parang maliit lang yung mundo niya.”

“Parang may day care center ako sa set,” joked Vic Sotto (middle of right frame, wearing white) about working on the movie My Little Bossings. This Metro Manila Film Fest entry also stars (L-R, right frame) Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon, Kris Aquino and Bimby.



Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vic Sotto ang pelikulang ginagawa nila ni Kris Aquino, ang My Little Bossings. Ang bida sa naturang Metro Manila Film Fest entry ay sina Bimby Yap at Ryzza Mae Dizon.

“It’s a different kind of experience for me. Although I’ve worked with child stars before.

“For the longest time with Aiza Seguerra, nung medyo lumaki na siya, nawala na. So, parang nagpa-flashback uli sa akin ang feeling na may katrabahong bata, may kausap na bata…tapos dalawa pa sila ngayon; isang englisero, isang nose-bleeder.

“It’s really a very good experience for me,” masaya niyang kuwento.

Dito raw niya nakikita ang malaking kaibahan sa dalawang bata na magkaiba talaga ang mundo.

Pero sa takbo ng mga pangyayari, parang mas naimpluwensyahan daw ni Bimby ng kasosyalan nito si Ryzza Mae.

Aniya, “Parang nagiging sosyal na rin kasi si Ryzza Mae ngayon, e. Maganda ang vibes nilang dalawa, kasi parati silang nagkakausap sa set, and maganda ang influence nila sa isa’t-isa.”

Natutuwa rin daw siya para kay Bimby dahil sa pagsasama nila ni Ryzza Mae, nakita raw ng anak nina Kris Aquino at James Yap ang ibang mundo na dapat niyang matutunan.

“Si Bimby, parang hindi siya aware sa nangyayari sa labas, e. Parang maliit lang yung mundo niya,” pakli nito.

“This is a very good learning experience for Bimby what life is outside of his world.

“Makikita mo maganda ang reaksyon niya, ang mga natutunan niya, at the same time, si Ryzza rin maganda rin yung nagiging experience niya sa shooting, and para akong may day care center, e,” natatawa niyang kuwento.

“Parang may day care ako sa set, e, siyempre kasama rin namin si Aiza Seguerra na hanggang ngayon ang tingin ko ay child wonder pa rin, although binata na siya. Pero para sa akin…ako naman habang buhay yata ako isip-bata. So, it’s really fun…we’re really having fun,” saad ng aktor.

Nagkaroon na raw sila ng mga eksenang nakunan na kasama si Kris, pero special guest lang daw talaga siya sa pelikulang ito.

“She’s [Kris] more of a stage mother, manager, coach, and she’s doing a good job; at nakikita ko na maganda ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak, and she should be proud of it,” tugon pa ni Bossing Vic.

Natitiyak naman ng Eat Bulaga host na hindi raw mabibigo ang mga manonood sa naturang pelikula dahil alam niyang para raw talaga sa buong pamilya ang naturang pelikula.

Hindi raw siya talaga ang bida rito, kundi ang dalawang bata.

“Sila ang mga bossing dito, my little bossings,” sabi pa niya.