Video of Coco calling Julia “Nanay” intrigues netizens
Speculations that Coco and Julia allegedly have kids together resurface.
Netizens can’t help but notice that Coco Martin called Julia Montes “Nanay,” fueling speculations that the couple have kids together.
PHOTO/S: @cocomartinofficial on TikTok
Viral ang video na ipinost ni Coco Martin sa kanyang TikTok account.
Sa maiksing video, hawak ni Coco ang bouquet of flowers na iaabot kay Julia Montes.
“Nanay!” sambit ni Coco at saka inabot ang bulaklak sa Kapamilya actress.
Nagpasalamat naman si Julia sa sweet gesture ni Coco.
Nangyari ang eksena sa loob ng sinehan, matapos ang preview ng Topakk, isang Metro Manila Film Fest entry na pinagbibidahan ni Julia.
Ang 16-second video ay kinapapalooban ng pagsasama nina Coco at Julia sa loob ng sinehan, at maiksing kuha kay Coco na ipino-promote ang MMFF entry ni Julia.
Ipinost ni Coco ang video noong nakaraang linggo.
Hindi naman nakaligtas mula sa mga mapanuring netizens ang TikTok video na ito.
At this writing, mayroon na itong 1.2 million views.
NETIZENS REACT
Umulan ng komento mula sa netizens ang Tiktok video.
Marami sa kanila, nais makupirma kung tama ang dinig nilang tinawag na “nanay” ni Coco si Julia.
Sundot naman ng iba pa, indikasyon daw ba iyon na totoo ang matagal na bali-balitang may anak na ang dalawa.
May nagkomento pa na sa ibang kuhang video, “Tatay” naman daw ang term of endearment ni Julia kay Coco.
May ibang netizens na nagsasabing may mga anak na umano sina Coco at Julia.
Hayag naman ng isa pa, tila unti-unti nang nagiging vocal sina Coco at Julia ukol sa kanilang personal na relasyon.
Ang iba naman, mas napansin ang pagiging malambing nina Coco at Julia.
Sa kabila ng matagal nang bali-balitang may mga anak na umano sila ay walang kumpirmasyon mula kina Coco at Julia.
Isang netizen din ang nagpunto ukol kay Willie Revillame na tila nadulas nang sabihing may mga anak na sina Coco at Julia.
WILLIE’S REVELATION
Nangyari ito noong gawin ang pre-debut event ni Willie Revillame noong July 14, 2024.
Ito ay para sa launching ng kanyang TV5 game show na Wil To Win.
Sa event ay mga mga ipinalabas na video greetings para kay Willie, at isa sa mga bumati rito ay si Coco.
Nagpasalamat naman si Willie sa pagbati ni Coco. Subalit ang sumunod niyang pahayag ang ikinagulat ng mga dumalo sa event.
“Coco, to Julia, at sa mga mga anak niyo, pamilya mo, salamat Coco,” sambit ni Willie.
Sa isang follow-up article na inilabas ni Jojo Gabinete ng Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), July 16, 2024, sinabi rito na walang malisya ang naging pahayag ni Willie.
Ipinunto pa sa artikulo na hindi na bago ang usap-usapang may tatlo nang anak sina Coco at Julia.
Saad sa artikulo: “Hindi pa umaamin ang dalawa pero lalong hindi nila itinatanggi ang katotohanan dahil sa kagustuhang mapanatili ang isang bahagi ng kanilang pribadong buhay, kahit na itinuturing silang mga public property.”
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply