Rash Flores mulls legal action over leaked video scandal.

Ilang buwan nang pinag-uusapan at laman ng balita ang mga aktor na may kumakalat na sex video.
Ang mga intimate video na ito ay kinunan nang lingid sa kanilang kaalaman.
Walang umaamin sa mga aktor na ito samantalang pinili ng ibang manahimik para hindi na lumaki ang eskandalo.
Sa mga aktor na nasasangkot sa leaked sex videos, tanging ang VMX actor na si Rash Flores ang umamin na kabilang sa mga aktor na naging biktima ng babaeng nakatalik nila.
Nagsimula ang acting career ni Rash noong 2021 at isa siya sa mga pambatong sexy actor ng VMX.
Ang Pornstar 2, Palitan, Pamasahe, Tayuan, Init, Pukpok, at ang upcoming movie na Wild Boys ang ilan sa mga proyektong pinagbidahan niya.
RASH FLORES CONFIRMS VIDEO SCANDAL
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rash ngayong Huwebes ng hapon, Pebrero 27, 2025, kinumpirma niyang siya talaga ang lalaki sa sex video na ibinebenta sa mataas na presyo.
Kahit nahihiya at masakit sa kanyang kalooban, matapang na inamin ni Rash ang katotohanan.
Hindi gaya ng ibang mga aktor na biktima rin, hindi siya gumamit ng alibi na AI o digitally altered ang eksplosibong video niya.
“Inimbitahan lang ako ng girl, nag-chat siya sa akin [sa social media],” umpisang kuwento ni Rash tungkol sa karanasang labis niyang pinagsisisihan.
“Matagal na po yung video na yan, March of last year, tapos inilabas nila nung December 2024.
“Hindi ko na nga matandaan ang pangalan ng girl.”
Paglalarawan ni Rash sa babaeng nakatalik niya: “Sakto lang po ang hitsura niya. Mas matanda siya sa akin, parang thirty years old na siya.”
Paano naganap ang kanilang pagkikita na nauwi sa pagtatalik?
Lahad ng sexy actor: “Niyaya pa niya ako sa isang hotel sa Timog [Quezon City].
“That time po kasi may problema ako. Wala rin akong ginagawa ng oras na yon nang in-invite niya ako.
“Mahal na Araw noon.
“Pero before that, may nag-message sa akin sa Instagram. Ini-invite niya ako na pumunta sa condo niya, kukunan ng video at babayaran ako.
“Sabi ko, hindi ako ganyan.
“Yung isang babae naman, yung kasama ko sa video, dito ako nabiktima.
“As in hindi niya sinabi na may [hidden camera]. Hindi ko expected na may ganoon.
“Hindi rin ako sure kung siya ang nagkalat ng video o ibinenta niya.
“May iba na kasing nagkakalat ngayon, may nag-send sa akin ng pangalan at GCash number ng nagbebenta. Ang mahal po ng presyo nila.”
RASH FLORES REGRETS BAD DECISION
Bahagyang naluha si Rash habang nagkukuwento tungkol sa pambibiktima sa kanya ng babaeng hindi niya na maalaala ang pangalan.
Iginiit ng VMX actor na hindi niya alam na kinunan pala ang pagtatalik nila ng babae.
Aniya: “Hindi ko naman po sinadya.
“Hindi ko naman po ako katulad ng iba na sinasadya yung ganoon para lang sa fame.
“Nalaman ko lang na kumakalat ang sex video dahil sa social media followers ko na nag-message sa akin, ibinebenta nga raw po yung video.
“Sabi ko nga sa sarili ko, hindi bale na hindi ako sumikat, huwag lang talaga ako magkaroon ng isyu na ganito, kaya talagang sobrang nade-depress po ako.
“Actually, hindi ko muna sinabi sa manager ko at sa pamilya ko ang nangyari. Inisip ko kasi na magiging sobrang dumi ng image ko.
“Nasa Vivamax ako tapos gagawa pa ako ng ganoon, e, di mas lalong dudumi ang tingin sa akin?”
Ayon pa kay Rash: “Gusto ko talagang linisin ang pangalan ko, na biktima ako. Hindi ko po talaga ginusto ang nangyari.
“Ang naging mali ko, naging padalus-dalos ako. Yun po ang naging mali ko kaya pinagsisisihan ko ang ginawa ko.”
Pinag-iisipan ni Rash na gumawa ng legal na hakbang para matukoy ang mga taong may kinalaman sa pagkalat ng maselang video niya na patuloy pinagkakakitaan.
“Kung ako po ang tatanungin, gusto ko talagang ipa-trace ang tao na source ng video kasi hindi lang po ako ang biktima,” sabi ni Rash.
News
Gene Hackman and wife’s de@th called “suspicious” by authorities
Authorities also saw no obvious gas leak signs. Oscar-winning actor Gene Hackman, 95, and wife Betsy Arakawa, 63, were found…
Witness: Mommy Divine wanted to slap Matteo Guidicelli; Sarah Geronimo intervened
Relationship counselor says previous attempts of Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli to get married were thwarted by Mommy Divine. Relationship…
Hot Topic: Mommy Divine Scamming Sarah Geronimo By Asset Transfer To Her Before Her Daugther Weds With Matteo Guidecelli?
Hot topic now in social media is the secret wedding of Sarah Geronimo and long time boyfriend actor Matteo Guidecilli last February 20, 2020…
Mommy Divine, tutol pa rin sa pagmamahalan nina Sarah at Matteo?
Mommy Divine, binatikos ng maraming netizens. Hanggang sa kasal ay tila tutol pa rin si Divine Geronimo (kaliwa) sa pag-iibigan…
Top 10 Most Anticipated Candidates for Miss Universe Philippines 2025
As the highly anticipated Miss Universe Philippines 2025 competition approaches, fans and beauty pageant enthusiasts are eagerly awaiting the showcase…
VP Sara Duterte: Vote based on bets’ accomplishments, plans, not on family name
Vice President Sara Duterte tells voters to look at the candidates’ accomplishments and plans. (Photo from Inday Sara Duterte…
End of content
No more pages to load