Victor Relosa, hindi na nagsisimba dahil sa nangyari sa kanya.
Victor Relosa on being a rape victim at a young age: “Actually, kapag naranasan mo yun, hindi agad siya magsi-sink in sa iyo, e. Darating ka muna sa point na tatanungin mo kung normal ba iyon. Or, ano ba iyon? Parang it will take you time talaga. Matagal! Siguro taon bago ka mandiri sa sarili mo at bago ka magalit dun sa tao, sa nangyari.”
PHOTO/S: Victor Relosa Facebook
Trigger Warning: Mention of rape, sexual abuse
Dalawang taon na sa VMX (dating Vivamax) si Victor “VR” Relosa.
Kabilang sa mga proyekto niya sa VMX ang Litsoneras, Kamadora, Kabit, Kahalili, Lagaslas, Paluwagan, Palipat-lipat, Papalit-palit, Sila Ay Akin, Rita, Secret Campus, Halo-halo X, at ang Mama’s Boy na mag-i-streaming sa Disyembre 31, 2024.
Sa tuwi-tuwina ay naka-plaster si Victor sa maseselang eksena, maliban doon sa Kabitan kung saan naka-prosthetic na ari siya.
May nag-take advantage ba sa kanyang babaeng kaeksena?
“Wala naman po, wala naman po,” tugon ni Victor nang makatsikahan ng PEP Troika sa Christmas party ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) noong Disyembre 2, Lunes, sa Rampa drag club, Quezon City.
“So far, close ko naman lahat ng nakatrabaho ko. Nakakabiruan ko naman lahat. Wala namang mga awkward.”
Dahil sa paghuhubad niya sa VMX, may mga bading bang fans na humaharot sa kanya?
“Madami po. Sa social media po, minsan pag sobrang aggressive yung approach nila, actually minsan hindi ko na lang po nire-reply-an,” lahad ni Victor.
“In person naman po, ano lang, hindi ko naman sila iniisnab pero siguro naglalagay lang po ako ng konting wall.
“Na parang siguro dinadaan ko na lang sa biro para mawala po yung awkwardness, na parang eto lang ako, masaya, bibiruin kita ng ano ba, yung naughty na joke.
“Gagawin kong joke yung naughtiness niya. Ganun lang po.”
VICTOR RELOSA ALSO A VICTIM OF SEXUAL ABUSE
Isiniwalat nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, Enzo Almario, at unnamed talent ng TV5 na hinalay sila ng bading na taga-TV industry.
May ganoon ba siyang karanasan na naging biktima siya ng pang-aabuso?
“Sa industry, so far, wala pa naman po. Kasi ewan ko, feeling ko, parang lahat sa industry, kaibigan ko,” pagtatapat ni Victor.
“Wala pong nag-a-attempt na gawin. Siguro sa umpisa parang magiging naughty yung approach sa akin.
“Pero parang pag nakakausap ko na, parang wala, nagiging kaibigan ko po lahat.
“Pero before ako pumasok sa pag-aartista, opo, meron. Actually po… sabihin ko ba? Ahhhh… the reason why hindi po ako…
“Ano po ako, Christian po ako pero hindi po ako nagtse-church. Kasi, I was raped by a priest.”
News
Pauleen Luna at Vic Sotto Ganito Pala DISIPLINA sa Kanilang ANAK nasi Baby Mochi Sotto!
BREAKING NEWS: Pauleen Luna at Vic Sotto, Ganito Pala Magdisiplina kay Baby Mochi Sotto! Maraming netizens ang namangha sa paraan…
ITO PALA NANGYARI sa SURFING Ni LILO MAG-ISA sa GITNA NG KARAGATAN PANOORIN ANAK Ni ANDI EIGENMAN
Ito Pala Nangyari sa Surfing ni Lilo Mag-isa sa Gitna ng Karagatang Panoorin Anak ni Andi Eigenmann Isang nakakakilig at…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET Introduction Isang nakakagulat na balita ang lumabas mula sa mundo ng entertainment: ang…
Melai Cantiveros plans to have third child, hopes for baby boy
(From left) Jason Francisco, Mela, Stella and Melai Cantiveros. Image: Instagram/@mrandmrsfrancisco Melai Cantiveros revealed that she and her husband…
BREAKING NEWS !! ATONG ANG AND SUNSHINE CRUZ, HAVE SEPARATED!! AWESOME! THIS IS THE REASON! OMG!
In a shocking turn of events, it has been confirmed that Atong Ang and Sunshine Cruz, who had been one…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply