Nagpahayag ng pagkabahala ang mga netizens na sumusubaybay sa relasyon nina Yen Santos at Paolo Contis matapos nilang mapansin na binura ng aktres ang kanyang sweet birthday message sa dating ‘Tahanang Pinakamasaya’ host.
Nitong nakaraang buwan, nagpost ng maikling birthday message si Yen Santos para kay Paolo Contis na tinawag niyang ‘best friend’.
“Screaming happy 40th birthday to my best friend! Thank you for everything you do,” post ng aktres kalakip ang larawan nila ni Paolo Contis.
Sa pagbura ni Yen Santos sa nasabing post na para kay Paolo Contis hindi napigilan ng mga netizens na mag-isip na tila mayroong mali sa relasyon ngayon nina Yen Santos at Paolo Contis.
Matatandaang naging usap-usapan na magkarelasyon sina Paolo Contis at Yen Santos mula noong 2021 matapos silang makitang magkasama sa mga pampublikong lugar, kahit tapos na ang kanilang proyekto na pinagsamahan, ang A Faraway Land.
Hindi rin naging madali ang pagsisimula ng relasyon dahil maraming netizens ang naniniwala na si Yen Santos ang dahilan ng hiwalayan nina Paolo Contis at ng dati niyang partner na si LJ Reyes.
Taong 2023, nang tuluyang inamin ni Paolo Contis ang kanilang relasyon ni Yen Santos at ang kanyang pagmamahal para sa dalaga.
“Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba? Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan. Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila,” pahayag ni Paolo Contis.
Samantala, nitong nakaraang taon, nalink din si Paolo Contis kay Arra San Agustin na naging kasamahan niya bilang host sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya, subalit kaagad na nilinaw ni Paolo Contis na trabaho lamang ang namamagitan sa kanila.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load