Nora Aunor on failed marriage with Christopher de Leon: “Kung hindi naging matigas ang ulo ko noon, hindi sana kami naghiwalay.”
Nora also reveals she and Boyet still dated after their separation.
In a recent conversation with Superstar Nora Aunor, she admitted it was her fault that her marriage with actor Christopher de Leon did not work.Muling bumisita ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng TV5 mini-serye na Sa Ngalan ng Ina last Wednesday, September 7. At muli ay na-interview namin ang bida ng drama series na si Nora Aunor.
From Taal, Batangas (mula August 22 hanggang September 2) and Bosoboso, Antipolo City (last September 5), buong araw at hanggang past midnight (on September 8) naman ang pagte-taping nina Nora and co-actors, with Direk Mario O’Hara and staff, sa Salve Regina General Hospital sa Marikina City.
Maaga pa rin ang call time ni Ate Guy kaya mas maaga siyang nakauwi, bago maghatinggabi.
Mga eksena nila nina Alwyn Uytingco at Edgar Allan Guzman ang karamihang kinunan. Pero mayroon ding mga eksena sina Nora at ang anak niyang si Ian de Leon, na nadatnan ng PEP bandang hapon na nakikipagkulitan sa mommy niya.
Before dinner break ay nauna naming in-interview si Ian, with Ate Guy, in the same room, na may ibang kausap.
Pero puro rin tungkol kina Nora at Christopher de Leon, Ian’s dad, ang binabanggit ng aktor.
At one point, natutuwang na-mention ni Nora na crush ng anak niyang si Ian, noong bata pa ito, si Lorna Tolentino.
Nabanggit kasi sa usapan na lilipat na sa TV5 si Lorna.
“Napakabata pa niya [Ian] noon, pero may crush na,” natutuwang pagbabalik-tanaw ng Superstar.
Isip-isip din daw niya noon, “Yung anak ko, ibang artista ang gusto!”
Pero si Ian, panay naman ang “bawi” sa kanyang mommy.
Like, ipaparinig talaga kay Ate Guy, “Kay Mommy ako, loyalista ako, e!’ Or, “I’m proud of both my parents…’
Tungkol sa pagiging “makulit” like his dad, sabi naman ni Ian, “Hindi ako nagtataka kung saan ko nakukuha yung mga kakulitan ko… Si Mommy, ayan, mahal na mahal ko!”
At tumawa nang malakas ang actor-son ni Guy.
Natatawa na lang si Nora, who’s pleased with Ian’s words. “Alam ko yun. Di na kailangang sabihin yun. Nararamdaman naman, e.”
HAPPY WITH TV5. Sa maganda at maayos na pagtrato sa kanya ng TV5 ay walang dahilan para hindi maging masaya si Nora.
Very vocal nga siya sa pagsasabi nito, each time na may nakakausap na taga-media, tulad ng PEP.
“Ibang klase silang mag-alaga,” banggit ni Nora, na lalong natutuwa kapag may inihahanda sa kanyang special dishes, tulad ng Bicol express at ginataang santol, na paborito talaga niya.
FIRST BOLD ROLE. Ano pa ang gusto niyang roles na gampanan?
“As usual… bold!” wika ni Ate Guy sa kanyang nakagawiang pagbibiro.
“Pero hindi n’yo alam, ako ang unang-unang nag-bold… sa Banaue!”
Ang Banaue (1975) ay ang klasikong pelikula ng National Artist for Film na si Gerry de Leon. Ito ang unang pagtatambal nina Nora at Christopher.
“Buhok ko lang ang nakatakip [sa dibdib]… ako ang unang nag-bold!” biro pa ni Ate Guy, referring to her costume in the epic masterpiece about the legend of the world-famous Banaue Rice Terraces in Ifugao.
YUL SERVO AND OTHER GUESTS. Bukod sa press na nag-i-interview, may male celebrities din mula sa TV5 ang bumisita sa set ng Sa Ngalan ng Ina para sandaling makausap si Nora Aunor.
Kasamang bumisita ni Yul ang co-star niya sa Bangis, ang young actor na si Rodjun Cruz.
Early evening nang dumating sina Yul at Rodjun.
“Ate Guy, magpupugay daw sa ‘yo,” sabi ni Ms. Jo-Ann Banaga, supervising producer ng Sa Ngalan ng Ina at Bangis.
Tuwang-tuwa si Ate Guy pagkakita kay Yul. Ipinakilala nito sa kanya si Rodjun at sandali silang nagkumustahan, nag-picture-picture.
“Naku, naniningkit pa rin ang mga mata niya [Yul].
“Bilib talaga ako ro’n, mahusay na artista. At napakabait na bata,” sabi ni Nora about Yul.
Sa pelikula, lumilitaw na si Yul ang pinakahuling naging leading man, so far, ni Nora.
“Nakakatuwa naman. Sabi niya, ‘Ate Guy, nakatatlong awards ako do’n…’ Mahusay talaga siya,’” banggit din ni Nora.
As for Sa Ngalan ng Ina‘s cast, Nora mentioned her new young co-actors, Alwyn Uytingco and Edgar Allan Guzman, as the most promising at nag-i-standout sa mga baguhang nakakaeksena niya.
“Magagaling at masisipag, mga disiplinado,” sabi ni Nora.
ABOUT PAPA BOYET. Sa SNNI taping sa Bosoboso, Antipolo City, the previous day (September 5), marami namang eksenang kinunan kina Nora at Christopher.
Magkatuwang uli ang mga unit directors and technical staff nina Mario O’Hara at Jon Red that day.
Between Nora and Boyet, wala nang pagkailang sa isa’t isa, lalo’t trabaho ang ginagawa, na dito’y napatunayan nila kapwa ang pagiging professional.
Sa personal na aspeto, nabanggit din ni Nora na maski naghiwalay sila noon, nanatili ang maganda nilang friendship.
“Malaki ang sakripisyo niyan sa akin,” banggit din ni Ate Guy, in the presence of Ian.
“Kasalanan ko rin, e. Aminado ako. Kung hindi naging matigas ang ulo ko noon, hindi sana kami naghiwalay.”
Pero nangingiti si Nora kapag may naaalala during those years na separated na raw sila ni Boyet.
“Nagde-date pa rin kami! Idini-date niya ako, kahit hiwalay na kami!
“Ikinukuwento niya sa akin yung mga nililigawan niya; at sinasabi ko rin yung mga nanliligaw noon sa akin,” kuwento ni Guy, na ikinatuwa naman ni Ian.