BREAKING: “It’s Showtime” 95% LIKELY TO RENEW CONTRACT WITH GMA-7—Atty. Annette Gozon-Valdes Laughs: “Ratings Aren’t an Issue, It’s All About the New Terms…

It’s Showtime, “95 percent” nang magre-renew ng kontrata sa GMA-7

annette gozon-valdes it's showtime

GORGY RULA

Mukhang sure to go na ang renewal ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa GMA-7, base sa mga pahayag ng senior vice-president ng GMA Network na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Nakapanayam ng PEP Troika ang Kapuso executive noong Linggo, December 15, 2024, sa Malacañang Palace, kung saan ginanap ang Konsyerto sa Palasyo para sa 50th Metro Manila Film Festival.

Ang blocktimer noontime show nina Vice Ganda ang kaagad naming kinumusta kay Ma’am Annette.

May linaw na ba ang renewal ng It’s Showtime sa GMA-7 bago matapos ang taong ito?

“May hinintay kaming data kaya natagalan kami bumalik sa kanila. Pero siguro mga 95 percent ano na yan,” sabi ni Ma’am Annette.

“Wala namang problema kasi, e. Konting ano lang, konting pag-uusap lang. Andito sina Carlo, nag-uusap kami.”

Ang “Carlo” na tinutukoy ni Ma’am Annette ay ang ABS-CBN president na si Carlo Katigbak.

Ayon pa kay Ma’am Annette, walang problema sa ratings ng It’s Showtime.

May tinitingnan lang daw sila sa data at ilan pang pag-uusap sa terms bago nila ma-finalize ang renewal.

“Pagdating sa ratings, wala kaming problema. Yung ibang mga ano yung ano namin, mas tungkol sa new terms. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Ma’am Annette.

“Sa ratings, walang problema, kasi ang taas-taas ng ratings ng Showtime.”

it's showtime

Photo/s: It’s Showtime Facebook

Related Posts

Our Privacy policy

https://hotnewsnowus.com - © 2024 News