Efren ‘Bata’ Reyes, naging mentor noon ni Fernando Poe Jr. sa billiards?

Efren ‘Bata’ Reyes nagkuwento kung paano sila naging ‘pakner’ ni Fernando Poe Jr., ang tinaguriang King of Philippine Movies.



Kamakailan lang ay tampok ang kuwento ng billiards legend na si Efren ‘Bata’ Reyes sa podcast na ‘Surprise Guest with Pia Arcangel.’

Bukod sa ikinuwento niya ang ilang pamahiin na sinusunod niya tuwing siya ay sasalang sa paglalaro ng billiards, ibinahagi rin niya kung paano sila naging magkaibigan o ‘pakners’ ni Fernando Poe Jr. na kilala rin bilang si Da King FPJ.

Masayang ikinuwento ni Efren sa host ng online program na si Pia Arcangel ang mga naging bonding nila noon ng King of Philippine Movies na si FPJ.

Kuwento niya, “Nagpunta doon sa pinsan namin sa bilyaran kung saan ako naglalaro. Nag-shooting sila roon. Ngayon, may pinalaro kami, parang extra. Noong nagpaturo siya [FPJ], tinatanong kung paano niya titirahin ito. Oh ‘di tinuruan ko.”

Ayon pa sa ‘The Magician,’ ayaw daw ni Da King ng ka-double sa eksenang siya ang titira sa bilyar.

Ibinunyag din niya na dumating daw noon sa punto na nagdesisyon na si FPJ na tumigil sa paggawa ng mga pelikulang may kasamang bilyar, pero napapayag siya [FPJ] noong sinabing siya [Efren] ang magtuturo rito.

Kinuwento rin ni Efren na nang tinuruan niyang magbilyar si FPJ, tinuruan naman siya nitong umarte.

Sina Efren at FPJ ay nagkasama noong 2003 sa pelikulang “Pakners.”

Alamin ang iba pang detalye tungkol sa buhay ni Efren ‘Bata’ Reyes sa video na ito:

Matatandaang noong nakaraang taon ay napanood si Efren ‘Bata’ Reyes sa GMA series na Bolera.

TINGNAN ANG ILANG MGA LARAWANG KUHA SA SET NG ‘BOLERA’ KASAMA SI EFREN REYES SA GALLERY SA IBABA: