Kim Chiu, um-attend sa premiere ng pelikula ni Paulo Avelino
Paulo Avelino, gustong ma-trap sa elevator kasama si Kim Chiu?
Ang pagdalo ni Kim Chiu ang added attraction sa red-carpet premiere ng Elevator sa Cinema 4 at Cinema 7 ng SM North Edsa Mall, Quezon City, ngayong Martes ng gabi, Abril 23, 2024.
Pinagkaguluhan si Kim ng mga tagahanga sa sorpresang pagsipot niya sa premiere night ng pelikulang pinagbibidahan ng nali-link sa kanyang si Paulo Avelino at ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.
Ang suportang ipinakita ni Kim kay Paulo ang lalong nagpatibay sa hinalang totoo ang mga balitang nagkakamabutihan sila at hindi lamang para sa publicity ng mga teleseryeng tinatampukan nila.
Pagkatapos ng matagumpay na pagtatambal sila sa Linlang, muling magkasama sina Kim at Paulo sa Viu series na What’s Wrong With Secretary Kim?.
Lalong kinilig ang mga tagahanga nang batiin at halikan ni Paulo si Kim nang magkita sila sa loob ng sinehan.
Ang Elevator, na unang pelikulang pinagtambalan nina Paulo at Kylie, ay ipalalabas sa mga sinehan simula bukas, Abril 24, 2024.
Sa ginanap na media conference ng Elevator noong Abril 5, 2024, nabanggit ang pangalan ni Kim dahil sa mga balitang nag-uugnay sa kanila ni Paulo.
Tinanong si Paulo kung sino ang gusto niyang makasama kapag hindi sinasadyang makulong siya sa elevator.
“Sino ba? Sino ba gusto ninyo? Si Kim, si Kimmy?” natatawang reaksiyon ni Paulo.
“Puwede. Puwedeng si Kim. Si Kimmy na lang kasi masaya naman siyang kasama.”
“Inspirational” at “feel-good movie” ang pagsasalarawan ni Paulo sa kuwento ng Elevator dahil ipinakita sa mga eksena ng pelikula ang uri ng pakikisalamuha ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa o OFWs sa iba’t ibang lahi.
“It’s something that would inspire you not just for your career but also sa outlook mo in life,” sabi ni Paulo.
Sa Singapore kinunan ang mga eksena nina Paulo at Kylie para sa Elevator.
News
Ogie Diaz shocks the public with his controversial statements regarding Kris Aquino’s death, leaving fans in awe.
Kris Aquino Death Hoax: Ogie Diaz Says “Huwag magpakalat” Ogie Diaz clarified these fake posts about Kris Aquino A social…
GRETCHEN BARRETTO TAKES THE WORLD BY SURPRISE, REVEALS ATONG ANG’S SECRET LIFE…(VIDEO)
Gretchen Barretto, Isiniwalat na ang Bahay ni Atong Ang! Sa isang kamakailang panayam, nagbigay si Gretchen Barretto ng mga detalye…
Just Now! JAMES YAP, Dinalaw Ang Ex-wife! || KRIS AQUINO, Napaluha ng sobra!🥺❤️
Breaking News: James Yap Pays Emotional Visit to Ex-Wife Kris Aquino, Moves Her to Tears In a poignant turn of…
Ryzza Mae Dizon INALIS NA sa Eat Bulaga, KUKUNIN ni Vice Ganda sa ITS SHOWTIME!
Isang malaking balita ang kumalat sa mundo ng telebisyon nang lumabas ang impormasyon na si Ryzza Mae Dizon, ang kilalang…
Andrea Brillantes SPOKE OUT AND CONFESSED HER RELATIONSHIP WITH Daniel Padilla!
In an exclusive revelation that has sent shockwaves through the entertainment world, Andrea Brillantes has finally confirmed her relationship with…
SHOCKING: Gretchen Barretto Unexpectedly “EXPOSES” SECRET RELATIONSHIP Who is her “CHILD” with ANG? (VIDEO)
Philippine showbiz was once again shaken when the name **Gretchen Barretto** suddenly became the center of unbelievable rumors. This time,…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply