Kim Chiu comments on Oliver Moeller

Kim Chiu (left) says “wala naman na po” about issue linking her to “EXpecially For You” searchee Oliver Moeller (right).

Lagpas isang buwan nang hindi napag-uusapan ang pagli-link kay Kim Chiu sa dating searchee ng “EXpecially For You” na si Atty. Oliver Moeller.

Si Oliver ang contestant na napiling maging ka-date ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa special episode ng “EXpecially For You” sa unang araw ng pag-ere ng Kapamilya noontime show sa GMA-7 noong April 6, 2024.

Read: It’s Showtime first airing on GMA-7 trends on X; here are the highlights!

KIM CHIU ON OLIVER MOELLER

Sa endorsement launch niya bilang ambassador ng BillEase sa Luxent Hotel, Quezon City, nitong nakaraang Martes, June 18, 2024, nausisa si Kim kung nagpaparamdam pa ba si Oliver sa kanya.

Nakangiti ngunit maiksing sagot nito, “Wala naman na po.”

So, hindi na nag-push through ito?

“Wala na po yun, opo,” sabi ni Kim.

Sa nasabing event, masasabing masaya si Kim kahit single siya ngayon.

Marami raw kasing endorsements at projects na dumarating sa kanya.

Nang tanungin kung ano ang “learnings” niya pagdating sa pag-ibig, birong sagot ni Kim, “Learnings? Installment na lang natin ang pagbigay ng love. Hindi yung buo, yes.”

Read: Kim Chiu moving on faster because of Paulo Avelino?

KIM CHIU-OLIVER MOELLER TEASING

Noong naging searchee si Oliver sa “EXpecially For You” segment ng It’s Showtime, tinutukso na si Kim sa kapwa niya Cebuano.

Nakitaan din sila ni Vice Ganda ng chemistry.

Bukod kasi sa pareho silang single at successful ang career, parehas din silang taga-Cebu kaya, ayon sa netizens, hindi malabong magkapalagayan sila ng loob.

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Oliver, diretsahan itong tinanong kung nililigawan na ba niya si Kim.

Kim Chiu, Oliver Moeller, Vice Ganda

Photo/s: Courtesy: It’s Showtime on Facebook

Makahulugang sagot ng Cebu-based lawyer, “I don’t think it’s fair that I speak about that without Kim’s permission.
Read more about

Kim Chiu
Oliver Moeller

“So, I’m so sorry. I hope you understand. But Kim’s pretty nice.”

Read: Oliver Moeller visits It’s Showtime again; is he courting Kim Chiu?

Mula noon ay wala nang napabalitang progress sa pag-uugnay sa kanilang dalawa.

Halos pitong buwan na rin kasing single si Kim matapos ang hiwalayan nila ni Xian Lim.

Read: Kim Chiu nonchalant about Xian Lim admission of new relationship

Iniuugnay naman ang kanyang pangalan ngayon kay Paulo Avelino, ang leading man niya sa What’s Wrong with Secretary Kim.