SHOCKING NEWS: Nora Aunor Reveals the Reason for Selling Her Commemorative Dress – The Value Shocks Her Fans!
Pinuri si Boss Toyo ng mga Noranian dahil sa pagbigay nito ng donasyon kay Nora Aunor para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol.
In-upload ng vlogger at may-ari ng Pinoy Pawnstars ang pagpunta ni Ate Guy sa kanyang shop dala ang damit nitong isinuot nung nanalo ito sa Tawag ng Tanghalan noong 1967.
Matagal na palang inimbita ni Boss Toyo si Ate Guy na pumunta sa kanyang shop dahil marami siyang mga items na binenta roon ng mga fans ng Superstar.
Merong Nora Aunor dolls na pinapirma niya sa National Artist. Medyo naalangan pa si Nora na pumirma, pero ginawa niya iyon para sa hinihinging donasyon.
Kinlaro ni Nora kay Boss Toyo na hindi niya binebenta ang damit niya.
“Kaya ko po dinala para makita po ninyo. Ang pakay ko po talaga ay para makatulong po kayo sa mga kababayan po natin na nasalanta ng bagyong si Kristine sa Bicol,” saad ni Ate Guy.
Namangha si Boss Toyo, dahil bagay raw iyon sa ipapatayo niyang museum sa January next year.
Kaso, ilalagay din daw ito ni Nora sa kanyang museum.
“Ang worth po nito ay assess ko, hindi ito bababa sa PHP5 million. Kasi one and only lang kayo, Ma’am. Nag-iisa, tapos ito pa yung… nagsisimula pa lang po kayo dito,” sabi ni Boss Toyo na ikinabigla rin ni Ate Guy.
“Seryoso po ako diyan. This is something na kakaiba,” sabi pa ng vlogger ng Pinoy Pawnstars.
Nagbigay naman si Boss Toyo ng 250 thousand pesos bilang donasyon niya sa pamimigay ni Ate Guy ng relief goods sa Bicol.
Sabi ng ilang napagtanungan namin, ang dami na raw dumating na mga donasyon. Pero gusto raw ni Ate Guy na madagdagan pa para marami raw siyang ipadala sa mga kababayan niya sa Bicol.
Nagpakumbaba si Nora Aunor kay Boss Toyo para makahingi lang ng donasyon.
Hindi raw pumunta roon si Nora sa shop dahil sa artista siya, kundi isang simpleng tao lang daw na gustong makatulong sa mga binagyo sa Bicol.
“Pare-pareho lang po tayo. Wala pong superstar… wala pong artista sa pag-uusap po natin. Ordinaryong tao lang po tayo,” sabi ni Ate Guy kay Boss Toyo.
Sa YouTube ni Boss Toyo ay nagpasalamat si Nora sa tulong na ibinigay sa kanya ng naturang vlogger.
Ani Nora, “Nagpunta ako rito para humingi ng tulong sa kanya na matulungan po ang mga kababayan po natin sa Bicol na nasalanta po ng bagyong Kristine.
“Alam nyo po, taga-Baao, taga-Iriga, ang tatay ko po taga-Nabua. Lahat po yun ay… yung tulay po sa Nabua at saka sa Baao, sira po yun.
“At napakarami po ng mga kababayan natin na nangangailangan ng pagkalinga at pagtulong. Lalo na po sa mga pagkain, sa mga kumot, pagkain, damit.
“Ang totoo po nun, yung mga damit ko po na hindi ko na nagagamit, kagabi po ay sinort-out po namin para malagay po sa kahon at mapadala po sa Bicol.
“At kay Boss Toyo naman po ay malaki po ang pasasalamat ko dahil natulungan po tayo at nakapagbigay po siya ng PHP250 thousand po para sa mga kababayan natin sa Bicol.”
Bayanihan tayo sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, lalo na ang Bicol region.
Nagpapasalamat tayo sa mga nangangalap ng donasyon at naghahatid ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan.
Nawa’y matanto rin natin kung bakit tumitindi ang hagupit ng bagyo sa ating bansa.
“Ganti” ba ito ng Kalikasan?
May kinalaman ba ito sa pagtatayo ng mga mall at gusali, sa walang habas na paglapastangan sa mga kagubatan at kabundukan?