Min Bernardo Binasag Ang Isyung Buntis Si Kathryn Bernardo
Kaagad na sinagot ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang mga balitang kumakalat ngayon sa mundo ng showbiz na umano’y nagbubuntis ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo kaya umalis ito sa bansa.
Kasunod ng balitang nagpunta sa Canada ang aktres na si Kathryn Bernardo, naglabasan naman ang mga bali-balitang nagbubuntis ito kaya naman, pinaalis na muna nila ito sa bansa para magpalipas ng panahon hanggang sa manganak na ito.
Alam din umano ito ni Daniel Padilla kaya naman naghiwalay na muna ang dalawa. May mga haka-haka na kumakalat ngayon sa ilang social media platform na umano’y hindi totoong naghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ipinalabas lamang umano nila ito para makaalis si Kath sa bansa at magpanggap na magmomove on kahit ang totoo ay nagbubuntis lamang ito.
May mga naghinala pa na tiyak umanong palihim na susunod ang aktor na si Daniel Padilla sa Canada para alagaan si Kath.
Samantala, kaagad namang pinabulaanan ng mismong ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang bali-balitang ito. Ipinagdidiinan din niya na hindi nagpunta sa Canada si Kathryn Bernardo para doon magpalipas ng pagkakataon hanggang sa manganak na.
Ayon kay Mn Bernardo, may project umano itong si Kathryn Bernardo sa Canada. Kinailangan umanong magpunta na roon ang aktres upang masimulan na ito dahil marami rin siyang gagawing project sa Pilipinas.
Mananatili sa Canada ang aktres hanggang sa matapos ang kanyang proyektong gagawin roon at hindi hanggang sa manganak na ito.
Nakiusap naman ang ina ni Kathryn Bernardo sa mga netizens na huwag kaagad maniwala sa mga nababasa at naririnig na isyu bagkus ay hanapin muna ang katotohanan nito.
Hiniling rin niya sa mga fans na huwag kaagad na maniwala sa mga balitang nagbubuntis ang kanyang anak dahil wala naman umano itong katotohanan.
Sakali din man umano na totoong nagbubuntis ang kanyang anak ay titiyakin din naman umano niya na mananagot ang ama ng kanyang apo.
Sa ngayon ay patuloy namang tikom ang mga bibig nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga naglabasang isyu sa kanilang paghihiwalay.
News
Ogie Diaz shocks the public with his controversial statements regarding Kris Aquino’s death, leaving fans in awe.
Kris Aquino Death Hoax: Ogie Diaz Says “Huwag magpakalat” Ogie Diaz clarified these fake posts about Kris Aquino A social…
GRETCHEN BARRETTO TAKES THE WORLD BY SURPRISE, REVEALS ATONG ANG’S SECRET LIFE…(VIDEO)
Gretchen Barretto, Isiniwalat na ang Bahay ni Atong Ang! Sa isang kamakailang panayam, nagbigay si Gretchen Barretto ng mga detalye…
Just Now! JAMES YAP, Dinalaw Ang Ex-wife! || KRIS AQUINO, Napaluha ng sobra!🥺❤️
Breaking News: James Yap Pays Emotional Visit to Ex-Wife Kris Aquino, Moves Her to Tears In a poignant turn of…
Ryzza Mae Dizon INALIS NA sa Eat Bulaga, KUKUNIN ni Vice Ganda sa ITS SHOWTIME!
Isang malaking balita ang kumalat sa mundo ng telebisyon nang lumabas ang impormasyon na si Ryzza Mae Dizon, ang kilalang…
Andrea Brillantes SPOKE OUT AND CONFESSED HER RELATIONSHIP WITH Daniel Padilla!
In an exclusive revelation that has sent shockwaves through the entertainment world, Andrea Brillantes has finally confirmed her relationship with…
SHOCKING: Gretchen Barretto Unexpectedly “EXPOSES” SECRET RELATIONSHIP Who is her “CHILD” with ANG? (VIDEO)
Philippine showbiz was once again shaken when the name **Gretchen Barretto** suddenly became the center of unbelievable rumors. This time,…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply