Gerald: “Di po kami boyfriend-girlfriend, but we had a special relationship.”



On October 12, 2010, Gerald Anderson suddenly bursts into tears during a press conference for his movie Till My Heartaches End with then love team partner and rumored girlfriend Kim Chiu after he was asked about the current status of their relationship. 

PHOTO/S: @andersongeraldjr, @chinitaprincess on Instagram, PEP file
Eksaktong sampung taon na ang nakalipas nang naging malaking balita ang pag-iyak ni Gerald Anderson habang inaaming nasaktan niya ang damdamin ng love team partner at noon ay rumored girlfriend na si Kim Chiu.

 

Nangyari ito sa press conference ng pelikula nina Kim at Gerald, ang Till My Heartaches End, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

Twenty-one years old noon si Gerald, at 20 years old si Kim.

Apat na taon na noon ang kanilang love team, na binansagan ng fans bilang “Kimerald.”

Apat na taon na rin ang “special relationship” sa pagitan nila.

Pero bago pa ang presscon, kalat na ang balitang tapos na ang anumang namamagitan kina Kim at Gerald.

Iniuugnay ang kanilang breakup sa pagkaka-link ni Gerald sa iba’t ibang babae, na natural na ikinagalit ng maraming Kimerald fans.

Iyon din ang mga panahong nababalita ang panliligaw ni Gerald sa isa pang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

TEARFUL, APOLOGETIC GERALD

Kumpirmadong apektado noon si Gerald sa sapin-saping intrigang kinakaharap niya.

Hindi niya kasi napigilan ang sariling maging emosyunal sa question ng isang entertainment columnist: Natanong na ba ni Gerald si Kim kung mahal siya nito?

Sa halip na sagutin ang tanong, inamin ni Gerald ang mga naging pagkukulang niya kay Kim.

“Sa loob po ng four years, na nagkaroon kami ng special relationship, we shared very happy moments together. We cared for each other.

“There are times nga na we hurt each other. Mas madalas mas ako. Pero, masakit kasi…” dito na nagsimulang mapaiyak si Gerald habang katabi si Kim.

“Ang dami kong ibinigay kay Kim na problema, heartaches,” pag-amin ni Gerald. “Pero tinanggap pa rin niya ako.

“Sa akin kasi, alam ko kahit kailan, kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mapapantayan yung lahat ng ginawa ni Kim para sa akin. Yung pagtanggap sa akin.