May kanya-kanyang reaction ang mga host ng It’s Showtime sa kanilang pagkakalipat sa GTV dahil ibinigay ng TV5 ang kanilang timeslot sa kakalipat lamang na TVJ.
Sa kabilang banda, excited naman ang mga hosts ng It’s Showtime na mapapanood na rin sila sa GTV isang subsidiary channel ng GMA7.
Ayon kina Ogie Alcasid at Vhong Navarro, bagama’t nakakagulat umano ang nangyari, malaki pa rin ang kanilang pasasalamat dahil tinanggap sila ng GTV matapos ang pagtatapos ng kanilang kontrata sa TV5.
“Syempre masaya pa rin dahil meron ulit nagpatuloy sa amin na bagong tahanan para maipagpatuloy natin ang anumang nasimulan natin 13 years ago,” pahayag ni Vhong Navarro.
Dagdag naman ni Ogie Alcasid, “Ang bottomline ‘jan ang madlang pipol ang dapat nating pasayahin. So ang mga panahon na nag-aalinlangan tayo, di natin alam kung saan tayo pupunta. Nakakatuwa na mayroon na kaming bagong bahay.”
Inamin din nila na noong June 20 nang malaman na lilipat na sila sa GTV ay totoong nagulat sila. Amindado rin si Vhong Navarro na talagang kinabahan siya nang magmeeting sila at isiniwalat ng management na may magaganap na pagbabago sa kanilang show.
Gayunpaman, malaki pa rin ang kanilang pasasalamat sa TV5 dahil sa pagtanggap umano sa kanila noong wala rin silang tahanan na matutuluyan.
Maging si Karylle ay naglabas rin ng kanyang saloobin sa nangyaring pagkakalipat nila sa GTV. Nakakabuti rin umano ito upang makita ang kanilang show sa mas malawak pang audience.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load