Funeral arrangements para kay Barbie Hsu, inaayos ng pamilya
Nagdesisyon ang naulilang pamilya ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu na ipa-cremate ang kanyang mga labi sa Japan bago ito iuwi sa Taiwan para sa idaraos na memorial service.
Nakiusap ang ina ni Barbie na igalang ang kanilang pribadong pagluluksa sa pagkamatay ng Meteor Garden actress.
Hindi pa masabi ng ina ni Barbie ang petsa ng pagbabalik nila sa Taiwan dahil sa prosesong ipinatutupad sa Japan.
Hiniling din niya sa mga reporter na huwag nang sundan ang lahat ng kanilang mga kilos at mga lugar na pinupuntahan.
BARBIE HSU’S LAST DAYS
Ayon sa mga lumabas na ulat, kasama ni Barbie ang pamilya nito sa pagbabakasyon sa Hakone, Japan.
Don sila nagdiwang ng Chinese Lunar New Year noong nakaraang linggo.
Noong Enero 29, 2025, nagsimula umano ang pag-ubo ni Barbie at pagsumpong ng kanyang hika kaya nanatili lamang siya sa kuwarto niya sa hotel mula Enero 30 hanggang Enero 31.
Napansin ng mga kasama ni Barbie ang paglala ng kundisyon ng aktres kaya bumiyahe sila sa Tokyo noong Pebrero 1 para patingnan ang aktres sa isang clinic.
Mula rito, dinala siya sa mas malaking ospital.
Napag-alaman sa pagsusuri kay Barbie na meron itong influenza kaya binigyan siya ng gamot ng doktor na tumingin sa kanya.
Pero naging malala ang kundisyon ni Barbie.
Dati nang may karamdaman sa puso at epilepsy ang aktres kaya isinugod siya sa ospital noong Pebrero 2.
Sa kasamaang-palad, binawian ng buhay si Barbie sa edad na 48 dahil sa pneumonia na epekto ng pagkakaroon niya ng influenza.
BARBIE HSU LEFT BEHIND HER CHILDREN AND HUSBAND
Naulila ni Barbie ang dalawang anak nila ng ex-husband niyang si Wang Xiaofei — isang siyam na taong babae at isang pitong gulang na lalaki.
Nagbabakasyon sa Thailand si Wang pero bumalik agad siya sa Taiwan nang makarating sa kanya ang malungkot na balita.
Nagpakasal sina Barbie at Xiaofei noong 2011.
Makalipas ang sampung taong pagsasama, nagdiborsyo sila noong 2021.
Nang sumunod na taon, 2022, pinakasalan ni Barbie ang dating kasintahan niya, ang South Korean singer at DJ na si Koo Jun-yup.
Sumikat nang husto si Barbie sa Pilipinas dahil sa karakter na Shan Cai, na ginampanan niya sa phenomenal hit drama series na Meteor Garden (2001).
Napanood sa ABS-CBN ang Tagalog-dubbed version nito noong 2003.
Naging popular din sa Thailand, Indonesia, at sa iba’t ibang mga bansa ang Meteor Garden kaya marami sa mga tagahanga ni Barbie ang labis na nalungkot sa kanyang pagkawala.
Muling nabuhay ang interes ng publiko sa Meteor Garden dahil sa pagkamatay ni Barbie kaya pinanonood nila uli sa YouTube ang mga lumang kabanata ng sikat na Taiwanese TV series.
News
Lovi Poe Finally Shares First Public Photo of Her Child with Tom Rodriguez After 3 Years! /lo
Lovi Poe Finally Shares First Public Photo of Her Child with Tom Rodriguez After 3 Years! (an) After keeping their…
KC Concepcion Shows Off DNA TEST of Her Child with Piolo Pascual to the Public! BOY ABUNDA Left Speechless /lo
KC Concepcion Publicly Reveals DNA Test of Child with Piolo Pascual—Boy Abunda Left Speechless! The entertainment world has been set…
Dina Bonnevie Shares Her Personal Journey as a Widow, Opening Up About Life After the Loss of Her Husband. /lo
Dina Bonnevie Reflection About Life Now After Her Husband’s De@th Here’s what Dina Bonnevie said about her life now as…
HOT NEWS: A Chilling and Emotional Moment: Sandara Park’s Rendition of the ‘Meteor Garden’ Theme Song Leaves Fans in Shock, Remembering Barbie Hsu. /lo
Sandara Park Sings ‘Meteor Garden’ Theme Song as a Tribute to Barbie Hsu Sandara Park Performs Meteor Garden Theme Song in Honor…
Filipina Nanny Gifted a ‘Million-Dollar Home’ by Her Canadian Employer.🥰 Video in comments /lo
Pinay nanny, niregaluhan ng kanyang Canadian employer ng “million-dollar home” – A Filipina nanny, Rebecca Cruz, was given a million…
DJ Koo and Barbie Hsu Were Previously a Couple and Have Reunited! 😔 Details in the comments. /lo
DJ Koo, sa pagkamatay ni Barbie Hsu: “I lost her again, this time forever” – DJ Koo Jun-yup, Barbie Hsu’s…
End of content
No more pages to load