Rosmar Tan isinugod sa ospital matapos mag-spotting, 2 buwan nang buntis

Rosmar Tan isinugod sa ospital matapos mag-spotting, 2 buwan nang buntis



ISINUGOD sa ospital ang social media personality at businesswoman na si Rosmar Tan Pamulaklakin matapos makaranas ng spotting kamakailan.

Ibinalita ni Rosmar sa madlang pipol na nagdadalang-tao siya ngayon at kamakailan nga lang ay nagpadala siya sa emergency room ng isang ospital nang bigla siyang duguin.

Ngunit sa kabila nito, may mga netizens pa rin daw na nangnenega sa kanya at umeepal sa kanyang pagbubuntis at pagpo-post tungkol sa pagpapa-emergency niya.

Ayon kay Rosmar, maayos na ang kundisyon niya ngayon pati na ng baby sa kanyang sinapupunan kaya huwag na raw mag-alala ang kanyang mga tagasuporta at social media followers.

“Regarding sa post ko na nagpunta ako sa ER. Nagulat ako na nagtrending na naman. Di lang siguro clear ang post ko kaya namisinterprent na naman ng iba,” ang pagbabahagi ng update ni Rosmar sa kanyang post.

Pagpapatuloy pa niya, “Ayan convo with my body guard. Mismong ospital ang nagsabi na pwede lang mag paultrasound kung mag papa ER ako.

“And kaya ako nag pa ultrasound nung araw na un dahil may ‘spotting’ ako at buntis ako.

“Kahit sino naman sigurong nanay o buntis kung may spotting dederetso agad ng ER at gusto makita kung safe ang baby sa tyan at kakabahan lalo na kung 1st trimester.

“And that day ko lang din nakita na May Baby na at may heartbeat na dahil last ultrasound ko sac pa lang,” lahad pa ng socmed personality.

Hugot pa ni Rosmar, “Dami talagang taong perfect wala namang alam sa buong pangyayari.

“Sana all perfect. Kung nanay ka lalo na kung buntis ka maiintindihan mo ang pakiramdam ng isang ina na kinakabahan kapag may spotting,” esplika pa niya.

Samantala, sa isa pang post ay  ibinahagi ni Rosmar ang sonogram ng ultrasound sa kanya at ibinalitang  maayos na maayos ang kondisyon ng anak nila ng asawamg si Jerome Pamulaklakin. Two months pregnant na ngayon si Rosmar.

“I Love You baby bunso. Buti nalang malakas si mommy at di para magpaapekto sa mga taong malulungkot ang buhay. Bubuo tayo ng masaya at kumpletong pamilya,” sey pa ni Rosmar Tan.