Nasapawan Si Kapuso Star, Kapamilya Aktres Bagong Primetime Queen? (NG)

Posted by

Mainit na pinagdedebatehan ngayon ng maraming mga netizens sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagiging bagong Primetime Queen umano ng aktres na si Kim Chiu dahil naungusan ng teleserye nito ang pinagbibidahan serye ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.



Ayon sa ilang mga tagahanga ng Kapamilya actress-host na si Kim Chiu, nararapat nang tawagin bilang bagong Primetime Queen si Kim Chiu dahil nangunguna sa ratings ang teleseryeng Linlang na pinagbibidahan niya kasama sina Paulo Avelino at JM De Guzman.

Sa kabila ng kukunting reach ng TV5 at A2Z, maging ang naglabasang mga spoiler mula sa Prime Video, patuloy pa ring nangunguna sa ratings ang teleseryeng Linlang ni Kim Chiu kaysa sa comeback teleserye ni Marian Rivera na pinamagatang My Guardian Alien.

Ayon pa sa ilang mga netizens na sa loob ng halos tatlong buwang pagtatapat ng dalawang palabas sa telebisyon sa kaparehong timeslot, ay consistent na naging mas mataas ang ratings ng Linlang.

Ayon sa data na inilabas ng Nielsen Philippines National Urban Television Audience Measurement People Ratings , lumalabas na nakakuha ng average ratings na 10.2% ang Linlang mula sa pag-ere nito noong April 1 hanggang sa pagwawakas nito noong June 14.

Habang nasa 8.4% naman ang ratings ng My Guardian Alien ni Marian Rivera mula noong April 1 hanggang nitong June 14.

Pumalo rin sa 12% ang ratings ng Linlang noong umire ang finale episode nito noong June 13 at 14 2024.

Dahil dito, marami sa mga fans ni Kim Chiu ang nagsasabing nararapat nang tawagin ang aktres bilang bagong primetime queen.

Subalit, kaagad namang dumipensa ang mga fans ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil ayon sa kanila ay wala pa sa kalingkingan ng tagumpay ni Marian Rivera sa mga teleserye ang natatamasa ngayon ni Kim Chiu.

Ayon pa sa ilang mga netizens, na dapat ay magkaroon mula ng mga top ratings teleserye si Kim Chiu na talagang tumatak sa mga manonood ang ginampanang karakter katulad na lamang noong gampanan ni Marian Rivera ang papel bilang, Marimar, Darna, Dyesibel at marami pang iba.

May mga nagsasabi rin naman na dapat ay itigil na ng maraming mga netizens ang pagkukumpara sa dalawang aktres dahil pareho naman silang magagaling at ibinubuhos ang lahat para sa entertainment ng mga manonood.

 

News

Albert Martinez at ang Tahimik na Sakripisyo para kay Amalia Fuentes – Ibinunyag ni Aga Muhlach ang Lihim na Kwento😱 (NG)

REVEALED: ALBERT MARTINEZ’S SILENT SACRIFICE FOR AMALIA FUENTES – AGA MUHLACH EXPOSES THE SECRET STORY 😱 Manila, Philippines – In…

Shaina Magdayao NEWS CONFIRMED sa LOCK ISSUE with John Lloyd Cruz! (NG)

In a surprising turn of events, actress Shaina Magdayao has finally confirmed the ongoing rumors regarding her past relationship with…

BEA Alonzo HINDI KINAYA ang NATUKLASANG LIiHIM ng kanyang FIANCE na si DOMINIC Roque😱😱 (NG)

SHOCKING REVELATION! BEA ALONZO LEFT DEVASTATED AFTER DISCOVERING FIANCÉ DOMINIC ROQUE’S DARK SECRET 😱💔 Manila, Philippines – The entertainment world…

David Licauco Hindi Matahimik Sa Nalaman Niyang Barbie Forteza at Jak Roberto – Nagulat ang Netizens!😱😱 (NG)

Philippine showbiz was once again shaken when David Licauco – a handsome and popular actor – suddenly revealed a shocking…

KINIKILIG: “Anak, inakusahan ang biyolohikal na ama”: Ang anak ng dating asawa ni KRIS AQUINO, TINDIG PARA ITANGGOL SIYA, nagharap ng bagong ebidensya tungkol sa kanyang ama😱 (NG)

Drama surrounding Kris Aquino has once again exploded when her ex-fiance’s son suddenly spoke up to defend the talk show…

𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔😱😱 (NG)

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more…

End of content

No more pages to load

Next page