Sarsi Emmanuelle claims Pepsi Paloma was insecure of her success
Trigger Warning: Mention of suicide
“Na-insecure” umano si Pepsi Paloma sa kasikatan na tinatamasa noon ni Sarsi Emmanuelle.
Ito raw ang naging mitsa ng nervous breakdown ni Pepsi na nagtulak sa kanya para magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti noong May 31, 1985.
Halos apatnapung (40) taon na ang nakalilipas mula nang mamayapa si Pepsi, pero hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang kontrobersiyal niyang buhay.
Higit sa lahat, naging pop-culture figure si Pepsi kaya nahigitan pa nito ang popularidad ni Sarsi na matagal nang hindi aktibo sa pag-arte.
Sina Pepsi at Sarsi, kasama sina Coca Nicolas at Myra “Mirinda” Manibog, ang tinaguriang Softdrink Beauties, ang grupo ng bold stars na binuo ng yumaong talent manager na si Dr. Rey dela Cruz noong early ’80s.
SARSI EMMANUELLE CLAIMS PEPSI PALOMA WAS INSECURE OF HER
Sa bagong panayam ni Julius Babao kina Sarsi, Myra, at Coca, na in-upload sa Julius Babao Unplugged YouTube kahapon, Enero 23, 2025, ikinuwento ni Sarsi ang huling sandali ng pagsasama nila ni Pepsi.
Pati na ang reaksyon umano ni Pepsi tungkol sa kasikatan ni Sarsi noong 1985, at ang pakiramdam na darating ang panahong magpapakamatay ang kaibigan niya.
Lahad ni Sarsi: “I know it’s gonna happen kasi a day before, magkasama kami. Sinundo ko yan sa bahay dahil na-confine pa yan.
“Sabi ni Tito Rey, ‘Kunin mo muna si Pepsi. Nalulungkot sa bahay niya. Pakainin mo.’
“E, di kinuha ko, pinasundo ko sa driver papunta sa bahay. ‘Dito ka muna,’ ayaw naman niya.
“Dalawang bakanteng kuwarto sa bahay ko, ‘Dito ka muna.’ Hindi, ma-pride.”
Ayon pa kay Sarsi, inusisa raw siya ni Pepsi kung paano siya nagkaroon ng sariling bahay.
“Sabi niya, ‘Paano ka nagkabahay?’ Sabi ko, ‘Di ba, may trabaho ako, lagare, tatlu-tatlong pelikula?’
“Hindi niya ako ma-take. Hindi na [siya] makaupa. May baby pa…”
Hindi nilinaw ni Sarsi ang “baby” na tinutukoy niya.
Ngunit base sa impormasyong nakalap ng Cabinet Files, ang “baby” na tinutukoy ni Sarsi ay ang adopted son ni Pepsi.
Pagpapatuloy ni Sarsi: “Gusto kong tulungan. Ayaw niya, ma-pride siya.
“Dun na pumasok ang insecurities niya.
“’Paano mo ako naunahang nagkapelikula? Paano mo ako naunahang magkabahay?’
“Ganoon na ang thinking niya. Iba na, rebel na.
“Parang hindi niya matanggap na pumunta siya sa bahay, maayos ang bahay ko, may mga kuwarto. May mga katulong, may kotse.
“Hindi niya matanggap yon.
“Yun ang last conversation namin, ‘Paano ka nagkaganito? Paano ka nagkaganoon?’
“Sabi ko, ‘Nagtatrabaho ako. May mga solo… gumagawa ako ng sunud-sunod na pelikula. Binabayaran na ako nang malaki. Siyempre, nakakapundar na ako.’
“Hindi niya ma-take yon kaya ayaw niya sa akin. Hindi niya matanggap siguro kung paano ko siya naunahan sa success.
“Nakita ko at narinig ko talaga. Parang wala na siya sa sarili. Disoriented na.”
Taong 1985 nang naging sunud-sunod ang pelikula ni Sarsi na ipinalabas sa mga sinehan at idinirek ng ilan sa acclaimed directors sa bansa.
Kabilang sa mga pelikula noong 1985 ang Virgin Forest (directed by Peque Gallaga), Silip (directed by Elwood Perez), Bomba Queen (directed by Efren C. Piñon), Room 69 (directed by Artemio Marquez), Boatman (directed by Tikoy Aguiluz), White Slavery (directed by Lino Brocka), at Beware: Bed Sins (directed by Mario O’ Hara).
Huling nagkasama sa pelikula sina Sarsi at Pepsi sa Room 69.
Sinabi rin ni Sarsi kay Julius na nakonsensiya siya sa malagim na sinapit ng buhay ni Pepsi.
“I feel so guilty,” sambit niya.
“I don’t mean to be showy. I don’t mean to hurt her. I don’t mean to [make her] envy.
“I don’t mean anything if I… bringing her to my house.
“I just want to welcome her. I-accommodate ko siya, i-comfort ko siya, dahil nga may ugali siya na ganoon.
“Galing sa sakit pa yan. May sakit siya nung panahon na yon.
“Wala akong intensiyon na kahit na ano, pero iba na siya.
“May depression na siya that time. She took it very negatively.”
Sumali muna si Sarsi sa “Disco Duel” contest ng Eat Bulaga!, kung saan siya ang itinanghal noong champion, bago nagpasyang pumasok sa showbiz.
SARSI’S VERSION ABOUT SEEiNG PEPSI’S BODY AT THE MORGUE
Unang nagsalita si Sarsi kay Julius noong 2024 tungkol sa kalunos-lunos na pagkamatay ni Pepsi.
Kapansin-pansing iba ang deklarasyon niya sa panayam niya ngayong Enero 2025 kaya nabahiran ng pagdududa ang kanyang mga pahayag.
Anim na buwan pa lamang ang nakalilipas nang ikuwento ni Sarsi kay Julius ang mga eksena nang puntahan niya sa morgue ang bangkay ni Pepsi.
Lahad niya: “Nakalabas ang dila niya, nakadilat ang mata niya kasi nagbigti siya.
“Isinara ko, totoo, isinara ko ang mata ni Pepsi, tapos yung dila niya ipinasok ko.
“Hinimatay na ako. Na-confine ako sa hospital, Capitol [Medical Center]].”
Maaaring nalito na si Sarsi dahil apatnapung taon na ang nakararaan.
Paulit-ulit ding sinabi ni Sarsi na dinala ang bangkay ni Pepsi sa Capitol Medical Center.
Pero base sa mga ulat na lumabas noon, sa United Doctors Medical Center, ang ospital malapit sa Welcome Rotonda, Quezon City, ang pinagdalhan sa walang buhay na katawan ni Pepsi.
MYRA AND COCA’S ACCOUNT ON PEPSI AT THE MORGUE
Iba ang salaysay ni Sarsi sa bersiyon nina Myra at Coca nang makita nila si Pepsi sa morgue, sa pakikipag-usap nila kay Julius ngayong Enero 2025.
Kuwento ni Myra, “Pagpasok ko kasi sa morgue, si Pepsi nakadilat pa saka nakalawit pa ang dila.
“Tapos sabi niya [Coca], ‘Myra, buksan mo yung bibig, ipapasok ko yung dila.’ Sabi ko, ‘Ayoko, hindi ko kaya.’”
Sabi naman ni Coca, “Ipinasok ko yung dila niya [Pepsi].”
Hindi kinontra ni Sarsi ang magkatugmang pahayag nina Myra at Coca.
Kuwestyonable rin ang sinabi ni Sarsi sa panayam sa kanya ni Julius noong 2024 dahil pinanindigan niyang wala siyang nakarelasyon mula sa showbiz.
Pahayag niya noon, “Ang lalaki noon, ilap na ilap sa akin. Hindi ko alam, takot.
“Wala talagang nanligaw sa akin, wala sa showbiz, walang nanligaw sa akin.
“I swear. Walang papasa kung meron man, pero wala talaga.”
Pero iba ang kuwento ni Myra sa bagong interbyu sa kanila ni Julius.
Hindi nagbanggit si Myra ng pangalan, pero ipinahiwatig niyang may nakarelasyong aktor noon si Sarsi na kanilang nakasama sa isang pelikula.
“Masaya si Sarsi [noon],” tukso ni Myra kay Sarsi.
“Dinalaw ko siya sa ospital, huwag mong sabihing hindi totoo,” sabi pa ni Myra.
Nang magtanong si Julius kung dumanas din noon si Sarsi ng depresyon, “Hindi. Gumaya kay Anna Marin, nalaman niyang may asawa,” reaksiyon ni Myra na sinundan nito ng halakhak.
Si Anna Marin ang aktres na nagkaroon ng relasyon at may anak sa yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
Pabiro namang sagot ni Sarsi, “Patay na lahat ng nenerbyusin.”
Mauunawaan ang paglilihim ni Sarsi tungkol sa mga dating nakarelasyon dahil pinahahalagahan niya ang kapakanan ng kanyang mga anak.
Pero marami ang nagpapatunay tungkol sa pagmamahalan nila noon ng isang prominent showbiz personality na aktibo hanggang sa kasalukuyan.
News
Andrea Torres Sends Cryptic Message: “Karma Is Real!” Amid Derek Ramsay and Ellen Adarna’s Public Affection
Andrea Torres Sends Cryptic Message: “Karma Is Real!” Amid Derek Ramsay and Ellen Adarna’s Public Affection Actress Andrea Torres has…
Moira Dela Torre Umamin na Hiwalay na kay Jason Dahil Sa Ibang Babae
Moira Dela Torre Confirms Breakup with Jason Marvin Hernandez Due to Infidelity In a heartbreaking revelation, OPM singer-songwriter Moira Dela…
AGA MUHLACH, TANGGAP NA NIYA ANG PAGBUBUNTIS NI ATASHA MUHLACH KAY VICO SOTTO!
Isang napaka-espesyal na balita ang umuusbong sa mundo ng showbiz! Si Aga Muhlach, ang kilalang aktor at ama, ay tila…
Juan Carlos Labajo May Ipinagtapat Na kay Moira Dela Torre ng Magkasama sila sa Isang Kwarto ng LIVE
In a heartwarming and unexpected moment, Filipino singer Juan Carlos Labajo made a candid confession to fellow artist Moira Dela…
LAST SONG ni Mercy Sunot na BASANG BASA SA ULAN na BAGO ITO PUMANAW!
LAST SONG: Mercy Sunot Performs “Basang Basa sa Ulan” Before Her Passing The music industry is mourning the loss of…
Gloria Romero’s Final Moments: A Heartbreaking Farewell
Gloria Romero’s Final Moments: A Heartbreaking Farewell The Philippine film industry is mourning the loss of one of its brightest…
End of content
No more pages to load