Heart Evangelista Calls Past Feud ‘Trivial’

GORGY RULA:
Mag-schoolmate pala ang anak ng sister ni Heart Evangelista at ang dalawang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at doon nagbukas ang pag-aayos ng dalawang Kapuso actress.
“Sila muna yung nagkatsikahan,” pakli ni Heart.
Sandali naming nakausap si Heart nung Lunes, December 18, 2023, sa unveiling ng Heart x Fornasetti limited plate edition sa Opulence Design Concept, na matatagpuan sa Podium Mall.
“Very happy lang,” sabi pa niya.
May common friends din daw sila Heart at Marian, pero hindi na niya idinetalye kung paano sila nagkaayos.
Basta tapos na raw ang isyu nila noon, at masaya siya dahil marami ang natuwa sa kanilang pagbabati.
“Happy ka, e,” nakangiti niya uling sabi sa akin.
“Kasi bata pa naman kami nung mga naganap. And we know now, we see differently the world.
“Madami rin kaming pinagdaanan. So, trivial na trivial yung mga nangyari dati. So, I’m so happy na perfect for Christmas.”
Iyun din naman ang gusto ni Marian sa mga huli naming interviews sa kanya—na dapat pairalin na lang ang pagmamahalan sa bawat isa.
Isa raw ito sa mensaheng hatid ng pelikulang Rewind nila ni Dingdong para sa nalalapit na 49th Metro Manila Film Festival.
Mga endorsements at iba pang projects ang pinag-uukulan muna ng pansin ni Heart Evangelista.
Hindi pa niya masabi kung kailan siya magbabalik-acting.
Pero nakikipag-usap naman daw siya sa taga-GMA-7 para sa posibleng project na gagawin niya.
“Nag-uusap kami kung ano yung pinaka-perfect, pero as of now, we will wait for the proper project. Kailangan always grateful,” saad ni Heart.
May tema rin ng pagpapatawad ang MMFF 2023 entries na When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon, Broken Hearts Trip ni Christian Bables, at Family Of Two (A Mother and Son Story) nina Sharon Cuneta at Alden Richards.
NOEL FERRER:
Life is short. Maganda iyang naaayos din ang lahat sa tamang panahon.
Dahil nagkaayos na sina Heart at Marian, malay mo, magkaroon pa sila ng collab sa mga proyektong gagawin nila.
Yan ang kaabang-abang kung sakali.
News
10 Most Expensive Celebrity Homes – A 2-Billion Peso Mansion Goes Viral!
Breaking News: 10 Most Expensive Celebrity Homes – A 2-Billion Peso Mansion Goes Viral! The internet is buzzing with excitement…
VIDEO ni Alex Gonzaga LASING na LASING bago BASTUSIN at PAHIRAN ng Cake ang Isang Waiter!
Alex Gonzaga apologizes to waiter after severe bashing online Waiter Allan Crisostomo on spat with Alex Gonzaga: “Ok na po…
Ivana Alawi Admits She Misses Dustin Yu After Her Live PBB Exit – A Heartfelt Confession That Left Fans Stunned!
In a surprising and emotional revelation, Ivana Alawi opened up about missing Dustin Yu after her dramatic exit from PBB (Pinoy Big Brother). Fans…
James Yap Masayang Ibinahagi Ang Unang Pag-uusap Nila Ni Bimby Matapos Ang Ilang Taon
Masayang ibinahagi ng basketball player na si James Yap ang unang conversation nila ng anak niya kay Kris Aquino…
Claudine Barretto claims Raymart Santiago took ‘hundreds of millions’ from her
Claudine Barretto and Raymart Santiago. Image: screengrab from YouTube/Karen Davila, Instagram/@raymartsantiago Claudine Barretto once again spoke about the legal…
Paulo Avelino Tinawag Na the One Si Kim Chiu
Hindi lamang sa larangan ng pag-ibig nangunguna ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Pati na…
End of content
No more pages to load