FULL LIST: 38th Star Awards for TV winners

Full list of winners of 38th Star Awards for TV; seen here are Piolo Pascual, Kim Chiu, Barbie Forteza, David Licauco, Andres Mulach and Fyang Smith.
Piolo Pascual and Kim Chiu (upper left) are among the co-hosts of 38th Star Awards for TV; Barbie Forteza and David Licauco (upper right) are hailed as the German Moreno Power Tandem from GMA-7; TV5 actor Andres Muhlach (lower left) is the Best New Male TV Personality, while PBB Gen 11 big winner Fyang Smith (lower right) is the Best New Female TV Personality.

Sina Piolo Pascual at Kim Chiu ang tinanghal na pinakamalaking acting winners sa 38th Star Awards for Television.



Ginanap ang event, linggo ng gabi, March 23, 2025, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound sa Quezon City.

Ang Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) ang nag-organisa ng awards ceremony.

Itinanghal na Best Drama Actor si Piolo para sa Pamilya Sagrado, at si Kim ang Best Drama Actress para sa Linlang. Ang dalawang drama series ay kapwa ipinalabas sa TV5 at A2Z.

Mangiyak-ngiyak na tinanggap ni Kim ang kanyang tropeyo at buong-pusong nagpasalamat sa ilang tao na nakatulong sa kanyang unang bida-kontrabida role sa telebisyon.

Wagi bilang Best TV Station, ang pinakamataas na parangal, ang GMA-7. Walang prankisa ang ABS-CBN, na dating kasabayan ng GMA-7 bilang major broadcasting station sa bansa.

Sa iba pang major categories ay nasungkit ni Janine Gutierrez ang Best Drama Supporting Actress para sa kanyang mahusay na pagkakaganap sa seryeng Lavender Fields na umeere sa TV5 at A2Z.

Nag-tie naman sa kategoryang Best Drama Supporting Actor sina Dennis Trillo para sa Pulang Araw (GMA-7) at Arnold Reyes para sa My Guardian Alien (GMA-7).

Personal na tinanggap ni Coco Martin at ng mga direktor ng FPJ’s Batang Quiapo ang tropeyo bilang Best Primetime TV Series (TV5, A2Z).

Wagi bilang Best Variety Show ang It’s Showtime, at si Anne Curtis ang tinanghal na Best Female TV Host sa parehong noontime show.

Si Vic Sotto ng Eat Bulaga! ang nag-uwi ng parangal bilang Best Male TV Host (TV5, RPTV).

Naging emosyunal si Janice de Belen na recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

Ito ang pinakamataas na rekognisyon para sa isang artista o TV host na ginawad sa Star Awards.

Nagbalik-tanaw si Janice sa kanyang pagsisimula bilang child star noong 1978.

Si Julius Babao ang binigyan ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award. Ang nag-abot ng tropeyo kay Julius ay si Jake Maderazo, isang haligi ng ABS-CBN News and Public Affairs.