
Hindi totoo ang usap-usapang hindi nagpansinan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Body of Work: The Bench Show na ginanap sa MOA Arena noong Biyernes, Marso 21, 2025.
Ang mga kuhang video sa backstage ng Mall of Asia Arena at lumabas sa social media ang katibayang nagpansinan sina Kathryn at Alden.
Malinaw na makikita sa video na binati nina Alden at Kathryn ang isa’t isa, at humawak pa ang aktor sa beywang ng kapareha niya sa blockbuster movie na Hello, Love, Again.
Isa itong sapat na pruweba na hindi totoo ang mga hinalang hindi sila magkasundo.
FAKE NEWS ABOUT KATHRYN-ALDEN SNUBBING INCIDENT
Nag-ugat ang fake news na hindi nagpansinan sina Alden at Kathryn sa curtain call ng Body of Work dahil nakunan sila ng mga video na hindi nag-uusap sa entablado, habang kasama ang ibang mga personalidad na may partisipasyon sa naganap na fashion show.

Dahil dito, may mga nagmalisyang may problema sa pagitan ng dalawa.
Mula nang mag-umpisa ang showbiz career ni Alden noong 2011, hindi ito nasangkot sa mga away.
Kilala rin ang Kapuso actor sa pagiging gentleman kaya hindi kapani-paniwala ang lumutang na balitang hindi niya pinansin si Kathryn.
Ang mga miyembro ng entertainment press at ang mga artistang nakatrabaho ni Alden ang makapagpapatunay sa kanyang pagiging palabati at magiliw sa halos lahat ng mga taong nakakahalubilo niya.
Gaya ni Alden, tila wala sa ugali ni Kathryn ang hindi mamansin ng kapwa.
Pareho silang kilala sa pagiging marunong makisama.
Aral para sa lahat ang nangyari, na hindi dapat basta paniwalaan ang lahat ng mga napapanood sa mga maiiksing video.
Ang mga kaganapan lamang sa MOA stage ang kanilang nakita, hindi ang mga eksena sa backstage na nakunan din ng video — na matibay na ebidensiyang salat sa katotohanan ang kumalat na isyu tungkol kina Alden at Kathryn.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load