aicelle santos nora aunor elsa

Singer-actress Aicelle Santos (left) plays Elsa in the musical film Isang Himala, an adaptation of the 1982 movie Himala starring National Artist Nora Aunor (right).



JERRY OLEA

Nakasiyam na awards ang pelikulang Himala sa 8th Metro Manila Film Festival noong 1982.

Wagi ito sa mga kategoryang best picture, best director (National Artist Ishmael Bernal), best actress (National Artist Nora Aunor bilang Elsa), best supporting actor (Spanky Manikan bilang photographer na si Orly), best supporting actress (Gigi Dueñas bilang pokpok na si Nimia), best sound engineering (Rolly Ruta), best cinematography (Sergio Lobo), best editing (Ike Jarlego Jr. at Ben Pelayo), best art direction (Raquel Villavicencio), at best screenplay (National Artist Ricky Lee).

himala 1982

Ama Quiambao, Veronica Palileo, Nora Aunor, and Laura Centeno in a scene from Himala (1982)

Ang second best picture na Moral, at ang third best picture na Haplos, ay isinulat din ni Ricky Lee.

Bida sa Moral sina Gina Alajar, Lorna Tolentino, Anna Marin, at Sandy Andolong, sa direksiyon ni National Artist Marilou Diaz-Abaya.

moral 1982

Gina Alajar, Anna Marin, Lorna Tolentino, and Sandy Andolong in Moral

Bida sa Haplos sina Vilma Santos, Christopher de Leon (MMFF 1982 best actor), at Rio Locsin, sa direksiyon ni Antonio Jose Perez.

rio locsin vilma santos haplos

Rio Locsin and Vilma Santos in Haplos

Sa awards season noong 1983 ay hindi nagwagi si Nora.

Naka-grand slam si Vilma Santos para sa Relasyon with Christopher de Leon, sa direksiyon ni National Artist Ishmael Bernal.

ISANG HIMALA, AND ENTRY TO THE 50TH MMFF

Sa 50th MMFF, isa sa sampung official entries ay ang rock musical film na Isang Himala, sa direksiyon ni Pepe Diokno na best director ng 49th MMFF para sa GomBurZa.

Ang Isang Himala ay isang adaptasyon ng Himala (MMFF 1982), na binigyan ng bagong himig ni National Artist Ricky Lee.

Ang Elsa sa Isang Himala ay si Aicelle Santos.

Ang Orly ay si David Ezra, na anak ni Dulce. At ang Nimia ay si Kakki Teodoro.

Nasa Isang Himala rin sina Bituin Escalante bilang umampon kay Elsa na si Aling Saling (Vangie Labalan sa 1982 Himala), Sweet Tiongson bilang Mrs. Alba (Veronica Palileo sa 1982 Himala), Floyd Tena bilang pari (Joel Lamangan sa 1982 Himala), Neomi Gonzales bilang Chayong (Laura Centeno sa 1982 Himala), Vic Robinson bilang Pilo (Pen Medina sa 1982 Himala), at Joann Co bilang Sepa (Ama Quiambao sa 1982 Himala).

isang himala cast

The main cast of Isang Himala (2024)

Sa mediacon ng Isang Himala noong Disyembre 4, Miyerkules, sa VS Hotel sa EDSA, Quezon City, luhaang inawit ni Aicelle ang signature song na “Gawin Mo Akong Sining.”

Sa pagtatapos ng mediacon, inawit ng ensemble cast ang kantang “Ang Himala ay Nasa Puso.”

NORA AUNOR’S PARTICIPATION IN ISANG HIMALA

May partisipasyon si Nora sa Isang Himala. Ang tinig niya ang huling nagsalita sa full trailer ng pelikula.

May official entry si Vilma sa MMFF 2024, ang Uninvited kasama sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, at Lotlot de Leon.

Co-stars din ni Vilma sina Tirso at Lotlot sa MMFF 2023 entry na When I Met You In Tokyo, kung saan leading man niya si Christopher de Leon, at tinanghal siyang best actress ng filmfest.

Ang buod ng Isang Himala, “Sa gitna ng tagtuyot at taggutom sa Baryo Cupang, ang dalagang si Elsa ay nagsabing pinagpakitaan ng Mahal na Birhen at pinagkalooban ng kakayahang magpagaling ng maysakit.

“Habang dumaragsa ang mga tao upang masaksihan ang kanyang mga milagro, nilamon ang Cupang ng pananampalataya, kasaganaan, kasakiman, at panlilinlang.

“Sa isang mundong uhaw sa kaligtasan, si Elsa ba ang tunay na simbolo ng pag-asa?”

isang himala

A scene from Isang Himala

GORGY RULA

Magkaibang Elsa si Nora Aunor sa Himala (MMFF 1982) at si Aicelle Santos sa Isang Himala (MMFF 2024).

“Nung kay Nora, mas ginawa naming mas subtle. Yung dark side ni Elsa, subtle na subtle lang,” pahayag ni National Artist Ricky Lee.

“Lumalabas lang sa enigmatic na tingin ni Nora. Sa tapon ng mata niya kung saan. Galaw. Pero subtle lang siya.

nora aunor himala

Nora Aunor in Himala (1982)

“Nung ginawa namin yung play, and then lalo na dito [Isang Himala], ginawa naming mas klaro na yung dark side ni Elsa.

“Like yung kanta niya, yung pagiging manipulative niya, ‘Gawin mo akong sining/ Gawin mo akong imortal/ Hahaplusin ko maging mga tinik ng rosas.’

“Parang may connivance na siya kay Orly na, ‘I-shoot mo ako para maging imortal ako!’ Mas luminaw na yon.

Aicelle Santos in Isang Himala (2024)

Aicelle Santos in Isang Himala (2024)

“Kasi pag musical, iba. Sa real life, hindi mo naman sasabihin, ‘Gawin mo akong sining!’ Pero sa musical, kaya mong i-express yung hindi nae-express sa lengguwahe na hindi ginagamit sa ordinary language.

“So, dun ko nakita yung difference. Sa Himala, marami akong nagawa, pero dito [Isang Himala], marami akong nagawa na hindi ko magawa dun. Kasi, musical ito.

“Like may kanta si Nimia na, ‘Ang himala ay nasa gitna ng aking mga hita, and et cetera.’

“Sa dialogue, hindi mo naman masasabi yan sa kustomer niya na, ‘Mag-ano ka na, himala, et cetera.’”

Napaka-memorable ni Gigi Dueñas bilang Nimia (MMFF 1982).

“And then yung first version nito sa theater, si Isay Alvarez yung Nimia, memorable din,” sabi ni Sir Ricky.

“Kaya si Kakki, matagal na nag-audition bago natanggap. Pero mahirap yung singing roles nila, e. Ang tataas, ang hirap nung mga kanta.”

ricky lee isang himala

National Artist Ricky Lee 
Photo/s: Jerry Olea

NOEL FERRER

May mga kumukuwestiyon sa pagkapili kay Aicelle Santos bilang Elsa sa pelikulang Isang Himala.

Puwede naman daw na mas may commercial appeal ang kinuha, halimbawa’y si Sarah Geronimo, si Nadine Lustre, si Bea Alonzo, o ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

Si Aicelle ba ang perfect Elsa para sa rock musical film na Isang Himala?

aicelle santos in isang himala

Aicelle Santos in Isang Himala

“Pag may commercial appeal na, may dala-dala na siyang image sa consciousness ng tao,” paliwanag ni National Artist Ricky Lee.

“Hindi na siya every man. Siya na si Nadine, siya na si… kung sino man. Si Bea Alonzo.

“Pero si Aicelle, para siyang ordinary person na gaya natin na puwedeng paghimalaan.

“It can happen to you. It can happen to her. Si Nora, iba. Hindi tayo Nora, e. Enigmatic si Nora, e. Chosen siya, e.

“Itong Elsa ngayon, chosen siya pero ordinaryo siyang tao lang, pinili. So mas real person yung Elsa ngayon.

“Mas may dark side. Mas ordinaryong tao kesa yung kay Nora. Hindi nila pinilit na gayahin, pantayan. Iniba nila.”