Nora Aunor
A Reddit user got an unexpected surprise while searching for his old film camera. Upon discovering a forgotten roll of film, he had it developed and found vintage photos of Superstar Nora Aunor.

Mistulang blast from the past ang karanasan ng isang Reddit user matapos nitong aksidenteng madiskubre ang mga photos ni Nora Aunor sa lumang film camera.



Ang Reddit ay isang kilalang American social news and forum platform, kunsaan may iba’t ibang online communities based on interests.

Nag-post ng entry ang Reddit user, aka redditor, na si TagaSariwangLugar na may titulong, “We owned a film camera that may have belonged to Nora Aunor”.

Kasunod nito, inilahad niya kung paanong napasakamay niya ang mga lumang larawan ng tinaguriang Superstar ng Philippine showbiz.

Simula ng Reddit user, nagkaroon siya uli ng interes sa film cameras.

Bigla niyang naalala na may pagmamay-ari silang film camera na itinago.

“So, I went through our old stuff and found it—a box full of film rolls and our old film camera.”

Napukaw raw ang kanyang atenisyon ng isang blue film roll na inilagay sa plastic ng yelo.

“My parents said the roll was inside the camera when they first got it,” kuwento ng Redditor.

“(I’m not sure if they were given the camera or bought it, but it definitely wasn’t brand new) and wrapped the film roll in ice yelo plastic in case the owners ‘wanted it back.’

“Curious, I had that mysterious roll developed, and low and behold—there was Nora Aunor.”

Ipinost rin ng redditor ang ilang larawan ni Nora na naka-save sa film.

Tila kuha ang mga larawan sa isang birthday celebration at dumalo rito si Nora at ang partner niyang si John Rendez.

Mga non-showbiz ang kasama ng seasoned actress sa photos.

Photo/s: TagaSariwangLugar on Reddit

These two old photos of Nora Aunor were discovered by a Reddit user in an old film taken from an old film camera that was hidden away. 

Photo/s: TagaSariwangLugar on Reddit

May isang nagkomento na mukhang kinunan ang mga larawang ito noong namalagi sa U.S. ang Superstar.

Ang iba naman, hinimok ang uploader na makipag-ugnayan sa kampo ni Nora para ipakita ang mga larawan.

Posibleng ang mga kuhang larawan ay tinatayang 20 years old na o dalawang dekada.

Reddit comment 1
Reddit comment 2
Reddit comment 3

NORA DRUG-RELATED ISSUE

Taong 2005, habang nasa U.S., ay nasangkot si Guy, palayaw ni Nora, sa isang isyu matapos siyang mahulihan ng 7.7 grams ng methamphetamine at glass pipe sa kanyang carry-on bag.

Nangyari ito sa Los Angeles International Airport nang pabalik na si Nora sa kanyang tirahan sa San Francisco galing sa isang business trip.

Taong 2006, nagbigay ng guilty plea si Nora, at ipinag-utos ng Los Angeles Superior Court na sumailalim siya sa drug rehabilitation.

Pagsapit ng 2007, na-dismiss ang drug-related case laban kay Guy matapos makumpleto ang six-month drug rehabilitation program.

Noong 2008, nakuha niya ang mga papeles para maging permanent resident sa U.S.

Taong 2011 ay bumalik ng Pilipinas si Guy para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Sa kasalukuyan ay sa Pilipinas na naninirahan ang Superstar.